Karla Estrada, hindi napigiling umiyak sa bahay nina Robin at Mariel Padilla

Karla Estrada, hindi napigiling umiyak sa bahay nina Robin at Mariel Padilla

- Inalala ni Karla Estrada ang mga hirap na dinanas nila noong mga panahong walang-wala pa sila

- Napaiyak talaga siya sa video habang nagkukuwento kay Mariel Padilla

- Nag-react ang maraming netizens sa mga dinanas ni Mamshie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nitong nakaraang bagong taon ay nakita si Karla Estrada na naki-celebrate sa bahay nina Robin Padilla at Mariel Padilla.

Nalaman ng KAMI na hindi pala natapos sa pakiki-party ang nangyari sa bahay ng mga Padilla, nakapaglabas din si Mamshie Karla ng mga saloobin niya patungkol sa nakaraan.

Talagang bumuhos ang luha ni Karla habang nagkukuwento kay Mariel ng mga hirap na dinanas nila noon ng panahong hindi pa sikat si Daniel Padilla at inalala rin niya ang mga taong tumulong sa kanila nang mga panahong iyon.

Maraming netizens ang humanga sa pagiging matatag ni Karla sa kabila ng mga hirap na dinanas niya.

Natuwa rin sila sa pagiging mabuting anak ni Daniel at sa pagtulong ni Robin sa kanila.

"Sa totoo lang kahit ano ang mangyayari gusto ko ang mga Padilla Clans..kahit noon pa.. Good luck Karla and the rest of Padilla Clans. Ang bait talaga ni Daniel..at Robin, kaya naman close si Dj kay Robin, grabe ang naitulong."

"oh my GOD im crying while watching....kya nmn pla mbait n sobra c DJ.."

"grabe hats off sa buhay ni Karla as a single Mom, no wonder ambait na anak ni Daniel Padilla kasi na-witness nya lahat ng hirap at sacrifices ng Mama nya"

"Sarap pakinggAn ang humble beginnings nila karla ."Gratitude is everything" Love it"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, ay naispatan si Karla Estrada na nag-eenjoy sa bahay nina Robin Padilla at Mariel Padilla. Kasama sa celebration ang iba pang mga kaanak ni Robin kabilang na ang kanilang ina na si Mommy Eva Cariño.

Si Karla Estrada ay may apat na anak na sina – Daniel Padilla, Jose Carlito, Margaret at Carmella, sa iba't-ibang ama. Siya rin ay co-host ng ABS-CBN talk show na Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal and Melai Cantiveros.

POPULAR: Read more news about Karla Estrada

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel