Binatang graduate mula sa Harvard, piniling tumulong sa mga mahihirap

Binatang graduate mula sa Harvard, piniling tumulong sa mga mahihirap

-Sa kanyang probinsiya piniling manatili ng abogadong si Juan Fidel Felipe Nograles at tumulong sa mga mahihirap

-Kahit pa nga nakapagtapos ito mula sa prestihiyosong paaralan, ang Harvard, ang puso daw niya ay para sa mga kapos-palad

-Sinabi rin nitong hindi ito naging madali para sa kanya at sa iba pang kasama niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagtapos si Atty. Juan Fidel Felipe Nograles mula sa Harvard Law School noong 2016. Ngunit sa kabila nito, mas pinili niyang tumulong sa mga kapos-palad.

Imbes na nasa air-conditioned na opisina at nakikipag-meeting sa mga kliyente, mas pinili niyang maki-halunbilo sa mga mahihirap sa mga lugar katulad ng Rodriguez at San Mateo sa Rizal.

Bago pumasok sa Harvard, naging court attorney muna siya sa opisina ni former Supreme Court associate justice Martin Villarama Jr.

Pagkatapos makakuha ng Juris Doctor degree sa Ateneo de Manila University, tsaka siya pumasok sa Harvard upang mas linangin pa ang kanyang kaalaman.

Nang maging assistant provincial administrator si Nograles sa Rizal, doon niya naramdamang ang puso niya ay para sa mahihirap.

“I have seen how meager their resources are and honestly, I can’t turn a blind eye anymore. The more time I spend with them each day, the more I appreciate how lucky I am to be in a position to help,” aniya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito niya nakitang ang mga kapos-palad ang mas nangangailangan ng serbisyo lalo pa nga at marami sa kanila ay hindi kabisado ang batas at madalas na naaagrabyado.

Ginamit niya ang mga natutunan upang tulungan ang mas nangangailangan.

“If I give an hour and help three to five people, these are three to five people out of the list. This is good enough for me,” sabi nito.

Huminhi siya ng tulong mula sa ibang abogado, law-students at ilang miyembro ng mga legal organizations para sa kanyang mga programang para sa mahihirap.

“For a start, we went to the barangays and set up a legal clinic where the residents went to seek help,” ani Nograles.

Noong una'y hindi ito naging madali sa kanila ngunit kalaunan ay may mga lumapit na sa kanila lalo pa nga at nakitang sinsero ang kanilang pagtulong.

At dahil likas ang pagiging matulungin at alam niyang hindi ito magiging madali, nais sana niyang ang makakasama sa buhay ay bukas din ang palad para sa mga mahihirap.

“If I find the right girl who will make me skip a heartbeat, I will have to rethink my position on this. Then, there will be two of us helping,” aniya.

Binatang graduate mula sa Harvard, piniling tumulong sa mga mahihirap

Photo source: Phil Star
Source: Facebook

Source: Phil Star

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Hubad na larawan ng 1 OFW, ikinalat umano ng dating nobyo at nobya nito

Hubad na larawan ng 1 OFW, ikinalat umano ng dating nobyo at nobya nito

Pinagtulungan! Nude photos ng 1 OFW, ikinalat umano ng ex-BF niya at GF nito
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel