‘Di niya sila bet! Pres. Duterte, dismayado sa mga nangunguna sa survey ng mga Senate bets

‘Di niya sila bet! Pres. Duterte, dismayado sa mga nangunguna sa survey ng mga Senate bets

- Tila nagulat si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging resulta ng survey

- Lumabas kamakailan ang resulta ng survey para sa mga kandidato ng nais maging senador

- Inendorso naman ni Pangulong Duterte sina Francis Tolentino, Bato del Rosa, at Bong Go

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinahiwatig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagka-dismaya sa naging resulta ng survey ng mga tumatakbo sa Senado ngayong darating na eleksyon. Nalaman ng KAMI na tila hindi bet ni Pangulong Duterte ang mga nangunguna sa resulta.

“I could not even fathom...extraordinary man ang credentials. I don't want to derogate others, pero nakita niyo 'yung nanguna sa survey? Susmaryosep,” giit ni Pangulong Duterte ayon sa balita ng GMA News.

Dumalo si Pangulong Duterte sa birthday party ng dati niyang political adviser at Senate candidate na si Francis Tolentino. Habang nasa party ay doon ipinakita ng Pangulo ang suporta niya para kay Tolentino at sa kanyang mga ally na sina Bato dela Rosa at Bong Go.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Ito [si Tolentino], dedicated, may alam, he really took care of Bicol, he was there for two weeks. Trabahante ng gobyerno. 'Pag binigyan mo ng pera, makikita mo ang resulta,” sabi ng Pangulo.

“You need Tolentino, mahirap hanapin 'yang dedication, 'yung na-in love sa trabaho,” dagdag niya pa.

Puno rin ng papuri si Pangulong Duterte sa dating PNP chief na si Dela Rosa at dating Special Assistant to the President (SAP) na nais din tumakbo sa pagka-senador.

“Ito si Bong, he has been with me for almost 20 years. Graduate ito ng La Salle,” sabi ni Pangulong Duterte.

“And not because he is a friend, he has proven integrity, si Bato [dela Rosa]. Fundamentally honest. 'Pag binigyan mo ng pera para sa operation, he produces results. Magbigay ng accounting. That is how he is trained,” dagdag niya pa.

Unang naibalita ng KAMI na ang mga re-electionist na sina Senator Cynthia Villar at Grace Poe ang mga nanguna sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa kamakailan lang.

POPULAR: Read more news about President Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel