'New Year Miracle'! Sanggol, buhay matapos ma-trap ng 36 oras sa gumuhong gusali

'New Year Miracle'! Sanggol, buhay matapos ma-trap ng 36 oras sa gumuhong gusali

-Isang malaking milagro itinuring ng isang ama ang pagkaka-rescue sa kanyang 11-buwang gulang na anak mula sa gumuhong gusali

-Nasagip ng buhay ang sanggol pagkatapos ma-trap nito sa loob ng 36 oras

-Nagtamo ito ng mga injuries at kasalukuyang nagpapagamot sa isang ospital sa Moscow sa Russia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gumuho ang isang apartment building sa Russia noong nakaraang Lunes, huling araw ng taong 2018.

Sa kasalukuyan siyam na tao na ang kumpirmadong nasawi dahil dito. At marami pa ang kasalukuyang hinahanap.

Ngunit isang milagro para sa isang ama ang pagkakaligtas sa kanyang 11 buwang gulang na anak na na-trap sa gumuhong gusali.

Nailigtas ang bata pagkatapos ng tatlumpu't anim na oras na nasa ilalim ito ng gumuhong gusali.

Ayon sa ulat, nagpapahinga ang ina ng bata kasama ang 3-anyos nitong anak habang ang sanggol ay nasa kanyang crib nang mangyari ang insidente.

Sa bilis ng pangyayari, hindi na nito namalayan kung ano ang nagyari sa sanggol na naiwan nito sa crib habang nailigtas nito ang panganay na anak.

Ang ama naman ng mga ito ay kasalukuyang nasa trabaho at nakatanggap ng tawag mula sa asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang rescuer ang nakarinig ng pag-iyak mula sa sanggol. Noong una'y nahirapan silang hanapin kung saan nagmula ito ngunit sa tulong ama ng bata nahanap nila ang lugar kung saan posibleng naroon ito.

Nagtamo ito ng mga injury at hypothermia at frostbite dahil sa lamig. Ang crib ang nagsilbi umanong proteksyon ng bata at nakatulong rin na nakabalot ito ng kumot.

Agad naman itong dinala sa ospital sa Moscow upang gamutin kasama ang apat pang na-injured sa insedente.

Source: The Asianparent, ABC News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
8-anyos, sinupalpal ang babaeng ipinahiya ang kanyang ina

8-anyos, sinupalpal ang babaeng ipinahiya ang kanyang ina

8-anyos, sinupalpal ang babaeng ipinahiya ang kanyang ina
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel