Bagong doktor, napasabak agad sa pagpapaanak sa back seat pa ng kotse

Bagong doktor, napasabak agad sa pagpapaanak sa back seat pa ng kotse

-Sa hindi inaasahang pagkakataon kinailangan agad sumabak ng bata at bagong doktor na si Dr. Mikko Manalastas sa isang emergency

-Si Dr. Manalastas, kinailangang magpaanak ng isang ginang sa loob pa ng isang sasakyan

-Nangyari ang insidente dalawang araw pagkatapos niyang makuha ang lisensya at isang linggo pagkatapos niyang pumasa sa board exam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kapapasa pa lamang ni Dr. Mikko Manalastas sa board exam at kakakuha pa lang niya ng kanyang lisensya bilang isang ganap na doktor nang kinailangan agad niyang sumabak sa isang emergency.

Ang emergency na ito ay hindi pangkaraniwan dahil nanagyari ang insidente habang siya'y nagre-relax lamang.

Ayon sa kanyang facebook post, isang araw ng Sabado nang may makasalubong siyang mag-asawa. Ang ginang ay nasa kalagitnaan na pala ng pagle-labor.

“As I was going down the elevator, 2 people hurriedly went in – a very anxious father, and a mother crying hard into labor.”

“I froze for a moment. Then immediately pressed the alarm button in the elevator to inform them that there was a mother in labor and that we needed assistance.

I dropped my bags and went up to them and introduced myself. What luck because I wore my Ateneo Medicine shirt today (patay haha).

Before i could finish my introduction, they realized that I was a doctor – only 2 days from actually getting my license number and a week from passing the boards.”

Kalmado man, hinihiling umano niya na 'wag muna sanang doon abutan ang ginang.

Ngunit sa kanyang huling sulyap, nakita niyang sumisilip na ang ulo ng sanggol. At bilang doktor alam niyang hindi maaaring patagalin ang delivery ng sanggol.

“I asked the mother to refrain from pushing but she couldn't help it because the pain was too much, and the contractions were getting stronger and longer.”

At dahil tawag na ito ng kanyang tungkulin, hiniling niya na lang sa mag-asawa na magtiwala sa kanya. Noong una'y nag-aalangan pa daw ang lalaki ngunit sa huli'y nakiusap sa kanya na iligtas ang sanggol.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit hindi pa doon nagtapos dahil sa back seat na ng sasakyan aabutan ang ginang at wala siyang maayos na gamit na maaaring magamit kung kaya naman dumiskarte na lamang ang batang doktor.

"I didn't have the proper materials but I needed to improvise. I grabbed my bag and took out my bath towel (clean and unused) and placed it over the mother's abdomen. I used wet wipes to clean the area and used the wet wipes as makeshift gloves and waited for the baby's head to come out.”

“She listened very carefully to my instructions and I asked her to trust me. And with just a few good pushes, the baby's head popped out. I grabbed her head and maneuvered to deliver the rest of her body.”

Aniya, matapang at malakas umano ang ginang kung kaya humanga siya rito.

Hanggang sa tuluyan na ngang naisilang ang baby girl ng mag-asawa sa tulong ni Dr. Manalastas.

Sa kanyang panayam sa Rappler, sinabi ni Dr. Manalastas na nakahinga talaga siya ng maluwag nang marinig ang iyak ng sanggol.

Agad naman dinala sa ospital ang sanggol at laking pasasalamat ng mag-asawa sa kanya na ipinadala pa ang larawan ng sanggol kay Dr. Manalastas.

“You are beautiful Baby Gabriela Ann! It was an honor to deliver such a precious gift from God,” ani Manalastas sa isang facebook post.

Source: Rappler

Bagong doktor, napasabak agad sa pagpapaanak sa back seat pa ng kotse

Photo source: Rappler
Source: Getty Images

Bagong doktor, napasabak agad sa pagpapaanak sa back seat pa ng kotse

Photo source: Rappler
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Chronic kidney disease patient, buong tapang na nilalabanan ang karamdaman na mag-isa

Chronic kidney disease patient, buong tapang na nilalabanan ang sakit na mag-isa

Chronic kidney disease patient, buong tapang na nilalabanan ang karamdaman na mag-isa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel