Palaban! Pres. Duterte, nagbantang sasampalin mismo si Daraga Mayor Baldo

Palaban! Pres. Duterte, nagbantang sasampalin mismo si Daraga Mayor Baldo

- May pagbabanta si Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo

- Giit ng Pangulo, sasampalin niya raw mismo si Baldo sa munisipyo

- Si Baldo ang inakusahang “mastermind” ng pagpatay kay AKO Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Giit ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo na siya ay inosente at hindi siya guilty sa akusasyong pag-utos niya diumano’y ipapatay ang kalabn sa pulitika na si AKO Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe.

Subalit, nalaman naman ng KAMI na tila may mabigat na birada si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Daraga mayor.

“Merong tatakbo [para kay Batocabe]. Either relative, wife, or son. [You, Baldo]... do not... puntahan talaga kita. Sampalin kita riyan sa munisipyo mo,” giit ni Pangulong Duterte ayon sa ulat ng GMA News.

“Try it. Sige, bukas, andun ako, pag 'di kita nilampaso riyan,” dagdag pa ng Pangulo habang nasa birthday ng kanyang dating political adviser na si Francis Tolentino.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naibalita rin na nagdagdag si Pangulong Duterte ng P20 million sa pabuya kung sinuman ang makapagtuturo sa nagpapatay kay Batocabe, kaya naman umabot na sa P50 million ang pabuyang ito.

Unang naibalita ng KAMI na kinilala bilang “mastermind” ng Philippine National Police (PNP) si Baldo upang ipapatay diumano si Batocabe na kalaban niya sa darating na eleksyon. Pero depensa naman ni Baldo na bagamat siya ay “easy target” para sa insidente ay hindi naman daw siya guilty sa krimeng ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel