Bangkay ng babae, hinukay! Kwintas nito na pabaon ng kaanak, ninakaw

Bangkay ng babae, hinukay! Kwintas nito na pabaon ng kaanak, ninakaw

-Dalawang kwintas ng isang bangkay sa Panitan, Capiz, hindi na pinatawad ng mga magnanakaw

-Sa inisyal na imbestigasyon, wala pang suspek at laking-pagtataka pa ng mga kaanak ng bangkay dahil sila-sila lang naman daw ang may alam na may kwintas sa bangkay

-Ayon sa ulat, nagulat ang kasambahay ng pamilya nang makitang nakalabas na ang kabaong ng kanyang among babae mula sa puntod nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang lusot mula sa mga masasamang loob ang kwintas na pabaon ng pamilya sa yumaong si Mela Daliva.

Ayon sa ulat, nagulat ang kasambahay ng pamilya nang madatnang nakalabas ang kabaong ng among babae mula sa puntod nito sa Panitan Public Cemetery.

Agad naman daw na nagsidatingan ang pamilya ng yumao sa sementeryo. Doon na nadiskubre ng mga ito na nawawala ang dalawang kwintas na ipinabaon nila dito.

"Sa inisyal na imbestigasyon, wala raw ideya ang asawa ng namatay kung sino ang nagnakaw," ayon kay SPO1 Elmer Daliva, imbestigador ng Panitan MPS.

Pumanaw daw si Daliva noong December 7 at nagbilin daw ito na pabaunan siya ng kwintas ng pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente. Laking-pagtataka daw ng pamilya dahil sila-sila lamang ang nakakaalam na may mga kwintas sa yumao.

"Sa follow-up sa imbestigasyon, sinabi ng mga kaanak ng namatay na nagtataka raw sila kasi sila lang ang may alam na may kuwintas doon sa kabaong. 'Di rin naman daw kamahalan 'yung dalawang kwintas, P2,000 lang," ayon sa awtoridad.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mother allegedly hurts daughter for sleeping in the jeepney, netizen comes to her defense

Mother allegedly hurts daughter for sleeping in the jeepney, netizen comes to her defense

Mother allegedly hurts little girl for sleeping in the jeepney, netizen chose to defend the helpless girl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel