Nasaan ang iba? Titser, nagulantang sa isang estudyante na pumasok sa klase pagkatapos ng Christmas break

Nasaan ang iba? Titser, nagulantang sa isang estudyante na pumasok sa klase pagkatapos ng Christmas break

- Isang titser ang nagbahagi ng nakakatawang karanasan nang balikan na sa eskwelahan

- Pagkatapos ng Christmas break, isang estudyante lang ang pumasok sa klase

- Tinawanan na lang ng guro at pinost ang picture ng kaisa-isa niyang estudyante sa araw na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming estudyante ang mukhang may hangover pa sa Christmas break at ito'y pinatunayan ng isang post ng isang guro.

Nalaman ng KAMI na si Sir Chito Grullo, isang guro sa Binalonan, Pangasinan, ay energized na magturo ulit pagkatapos ng mahabang bakasyon.

Nagulantang siya nang makitang nag-iisa lamang ang estudyante niya na pumasok sa klase.

Ayon sa ulat ng GMA, may 32 estudyante siya at isang napaka-diligent na bata ang bumalik.

Una ay nagulat siya, pero kalauna'y tinawanan na lang niya ang buong pangyayari at pinost ang ganap sa classroom niya.

Binigyan na lang niya ng extra points ang bata para sa effort pumasok.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Eto ang post ng GMA:

"Nagulat at natawa na lang ang guro na si YouScooper Chito Grullo mula sa Binalonan, Pangasinan dahil isa lang ang pumasok sa kaniyang klase ngayong araw ng pagbabalik-eskwela matapos ang bakasyon.
Aniya, marahil ay sa Lunes na papasok ang iba para masulit nila ang bakasyon. Ang nag-iisang pumasok ay binigyan na lamang niya ng extra points dahil sa effort ng pagpunta sa klase.
Mensahe niya sa kaniyang mga lumiban na estudyante, i-enjoy na nila ang bakasyon dahil "back to reality" na sa susunod na linggo."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)