Hirap daw! JC de Vera, umamin na mahirap raw mag-alaga ng anak na babae

Hirap daw! JC de Vera, umamin na mahirap raw mag-alaga ng anak na babae

- Sa panayam ng entertainment press umano kay One Great Love actor JC de Vera ay napaamin daw ito ang hirap na mag-alaga ng anak na babae

- Dito rin ay naibahagi niya ang pagpapalaki ng kanyang mga magulang sa kanya at ang buhay niya sa likod ng mga kamera

- Nagpahayag rin raw si JC na pag-amin sa estado ng buhay nilang pamilya at sa leksyon na natutunan niya umano sa paglaki

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa balita na nasagap ng KAMI, ngayon raw na may anak na si JC de Vera , gusto raw niyang palakihin si Lana Athena na katulad ng pagpapalaki umano sa kanya ng kanyang mga magulang.

Sa panayam ng Cabinet Files ng PEP, umamin raw si JC sa hirap na pinagdaanan at pinagdadaanan.

Ani pa ng aktor:

“Mahirap talaga na alagaan ang babae. Ang hirap, wala akong experience na may kapatid na babae. Ang alam ko lang kung paano alagaan ang nanay ko."

Pagpapatuloy pa niya:

“Gusto ko na lumaki siya na very well balanced.Gusto ko yung makakaramdam pa rin siya ng struggles kasi without that struggles and obstacles in life, hindi ka matututo."

Dito rin ay ibinahagi niya ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang magulang.

“Hindi ako spoiled lumaki. Kailangan kong gumawa ng mga paraan para kumita ako ng pera para meron akong pang-gastos sa sarili at gusto ko na ma-experience din yun ng anak ko. Kasi from there, malalaman niya talaga yung meaning ng life."

Ito raw ay sa kabila na pinagpapaaral siya sa isang exclusive school umano ng kanyang mga magulang.

Hindi daw maluho ang aktor dahil hindi naman umano mayaman ang kanilang pamilya.

Dagdag na pag-amin pa raw ni JC:

“I didn’t come from a wealthy family. Meron lang kaming enough, yun ang masasabi ko. I think that’s the right term."

Pagpapatuloy pa niya:

“Yung parents ko, yung education, yun na ang pinaka-ultimate gift nila sa akin na pag-aralin ako sa isang napakagandang school pero other than that, ang shoes ko, from first year to fourth year high school. Ang uniform ko, good for three years bago uli bumili ng bago,” ang pagbabalik-tanaw ni JC sa nakaraan."

Gayunpaman, pangarap pa rin daw ng aktor na ibigay sa kanyang 8-month-old na anak na babae ang isang maginhawa na pamumuhay pero titiyakin daw niya na hindi lalaki na spoiled ang kanyang anak.

Kamakailan lang ay ibinahagi namin ang pagiging hands-on daddy ni JC.

Si JC De Vera ay unang nakilala bilang isang GMA artist mula 2003 hanggang 2010, at ngayon ay isang ganap na Kapamilya ang aktor.

POPULAR: Read more news about JC de Vera here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update tungkol sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel