Angelica Panganiban, winindang ang faney sa tweet na gusto na niyang mag-asawa

Angelica Panganiban, winindang ang faney sa tweet na gusto na niyang mag-asawa

- Sa pagbukas ng bagong taon, isang pasabog na tweet naman ang ibinahagi ng award-winning Kapamilya actress

- Ginulantang lang naman niya ang mga faney sa kanyang latest tweet na gusto na niyang mag-asawa this year 2019

- Kaya naman nagtrending ito at pinag-usapan sa online at offline world, hanggang binalita na ng mga entertainment news press

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabay sa pagsabog ng mga paputok at fireworks para sa bagong taon ay ang isa ring malaking pasabog na tweet ang ibinahagi ng Playhouse actress na si Angelica Panganiban sa kanyang Twitter account.

Naispatan ng KAMI ang pinag-uusapan na tweet ng award-winning Kapamilya actress na nagtrending na sa sobrang pasabog nito.

Una naming naispatan ang tweet sa Fashion Pulis, at ngayon na nga ay ibinalita na ng ABS-CBN News, ang nakakawindang na tweet ni Angge.

Windang at excited rin ang mga faney kung magiging totoo man ito dahil hoping rin sila sa CarGel in real life.

Ani pa ni Angelica sa tweet niya:

"Gusto ko mag asawa this year."

Na sinundan naman niya ng nakakatawa na hugot na linya na:

"Parang ice cream lang hiningi ko eh noh?"

Umani ang tweet ng halos dalawampung libong retweets at daan-daang mga komento at reaksyon.

Agad naman niya itong sinundan ng isa pang nakakawindang na nakakatawang hugot lines na"

"Nilagnat ako sa last tweet ko. Promise. Napainom ako ng bioflu."

Napacomment naman ang mga netizens tungkol rito.

"Get married na this year. You and Carlo are at the right age. Rooting for the both of you."
"It's about time."
"wala naman hadlang because they are both single."

Si Angelica Panganiban ay makikita ngayon sa Banana Sundae at Playhouse sa ABS-CBN.

POPULAR: Read more news about Angelica Panganiban here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Manny Pacquiao and family pose with Golden State Warriors star players

Manny Pacquiao and family pose with Golden State Warriors star players

Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel