Kontrobersiya ni Pang. Duterte, ipinangamba ang epekto sa mga kasambahay

Kontrobersiya ni Pang. Duterte, ipinangamba ang epekto sa mga kasambahay

- Umabot na sa international media ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Pangulong Rodrigo Duterte

- Maging ang mga domestic worker at women’s rights advocates ay nagsalita na sa issue

- Giit nila, huwag pagtawanan ang mga usapin ukol sa pang-aabuso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging ang mga international media ay ibinahagi na ang balitang pag-amin umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ginawa sa dati nilang kasambahay noong teenager pa lang siya.

Depensa naman ng Palasyo ay gawa-gawa lang daw ng Pangulo ang kwentong ito upang ilarawan ang pang-aabusong naranasan niya sa mga pari.

Nalaman ng KAMI na tila hindi lahat ay naniwala sa paliwanag ng Palasyo. Ilang grupo ng mga domestic worker at women’s right advocates ang nagkomento sa kontrobersiyang ito ayon sa balita ng ABS-CBN News.

“Karamihan, kung mayroong lumabas na skandalong sekswal, sila ay humihingi ng paumanhin. At gayundin ay nagreresign mula sa kanilang posisyon,” giit ni Jean Enriquez, ang executive director ng Coalition Against Trafficking in Women – Asia Pacific.

Para naman sa Presidente ng United Domestic Workers of the Philippines-Sentro na si Novelita Palisoc, nakakapangamba ang kwento ni Pangulong Duterte lalo na at may mga domestic workers na nakaranas na ng pang-aabuso maging sa ibang bansa.

“Parang nag-aano siya sa mga employer na okay lang hawakan ‘yung mga private part ng mga kasambahay,” aniya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Giit naman ng Assistant Professor sa UP Political Science Department na si Dr. Jean Franco ay maaaring maakpetuhan din ang kakayanan ng Pilipinas na ipaglaban ang mga karapatan ng mga domestic workers sa ibang bansa.

Nananawagan din ang mga advocates na huwag gawing biro ang mga pahayag ni Pangulong Duterte at huwag pagtawanan ang mga ukol sa pang-aabuso lalo na sa mga domestic workers.

Una namang naiulat ng KAMI na inamin ng Pangulo ang ginawa sa kanilang kasambahay noong nagbigay siya ng speech sa Kidapawan City sa Cotabato.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagtutulak ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel