Lalaking nawalan na ng pag-asa sa buhay noon, milyonaryo na dahil sa Teespring

Lalaking nawalan na ng pag-asa sa buhay noon, milyonaryo na dahil sa Teespring

-Napilitan na daw tumigil sa pag-aaral si Norlito Baclayen at halos wala na daw silang pag-asa dahil sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya

-Sa mga panahong nawawalan na daw siya ng gana sa buhay, sa pamamagitan ng kompanya na nagde-design ng mga t-shirt siya nakakita ng kaunting pag-asa

-Hindi daw niya akalain na ang maliit na simula ay magbibigay pala ng ginhawa sa kanya at maging sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Larawan na raw siya ng kawalang pag-asa noon lalo pa at napilitan na siyang tumigil sa pag-aaral noong siya'y nasa kolehiyo pa lang.

Kwento ni Norlito Baclayen, ang pinakabatang milyonaryo mula sa kompanyang Teespring, dumaraan daw ang kanilang pamilya sa isang pagsubok ng mga panahong iyon.

At dahil nahinto siya sa pag-aaral at wala siyang experience sa pagta-trabah, hindi umano ito naging madali para sa kanya.

Ngunit sa mga panahong tila madilim ang lahat para sa kanya, makakadiskubre siya ng pag-asa.

Sabi ni Norlito, isang araw habang nagba-browse siya sa facebook, napansin niya ang isang page na nagbebeta ng mga t-shirt, na sa tingin niya ay hindi naman ganun kaganda.

Sa kanyang pagtataka at dahil na rin rami ng responses dito, nag-browse pa siya sa page.

Dito nagsimula siyang pag-aralan ang mga bagay kaugnay ng pagdedesenyo ng mga t-shirt. Maging ang mga hilig ng netizens at kung ano ang papatok.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong una'y hindi ito naging patok. Ngunit dahil sa kanyang oras na inilalaan at ang patuloy na pag-aaral sa mga bagay na papatok sa masa, naging matagumpay siya at umani ng maraming likes sa FB.

Hindi man naging madali sa una o may mga balakid man na sa tingin natin ay haharang sa ating tagumpay, madalas nagagamit natin ito upang magtagumpay lalo na kung maglalaan ng oras at siyempre pa ay ang natural na diskarte ng bawat isa.

Sa ngayon, isa na si Norlito sa mga batang milyonaryo na kinikilala at patuloy na nagbibigay pag-asa para sa marami.

At higit sa lahat, hindi lang ang sarili ang kanyang natuluyan maging ang kanyang pamilya.

Source: Teespring

Lalaking nawalan na ng pag-asa sa buhay noon, milyonaryo na dahil sa Teespring

Photo source: Teespring
Source: UGC

Lalaking nawalan na ng pag-asa sa buhay noon, milyonaryo na dahil sa Teespring

Photo source: Teespring
Source: UGC

Lalaking nawalan na ng pag-asa sa buhay noon, milyonaryo na dahil sa Teespring

Photo source: Teespring
Source: UGC

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtulungan! Nude photos ng 1 OFW, ikinalat umano ng ex-BF niya at GF nito

Pinagtulungan! Nude photos ng 1 OFW, ikinalat umano ng ex-BF niya at GF nito

Pinagtulungan! Nude photos ng 1 OFW, ikinalat umano ng ex-BF niya at GF nito
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel