Estudyanteng crush si Sir, nagbunga ang pagtitiyaga at nauwi rin sa kasalan

Estudyanteng crush si Sir, nagbunga ang pagtitiyaga at nauwi rin sa kasalan

- Viral ngayon ang kakaibang love story sa pagitan nina Vinda Virginia at Erwin Pangaila

- Si Vinda ay estudyante ni Erwin noong high school

- Matapos ang pitong taon ay nauwi rin sa kasalan ang kanilang pag-iibigan

Marami ang na-inspire sa kakaibang kuwentong pag-ibig nina Vinda Virginia, isang high school student at si Erwin Pangaila isang teacher.

Nalaman ng KAMI na nagtuturo si Erwin sa SMP Negeri 2 Tenga sa Jakarta, Indonesia.

Ayon sa report, 'love at first sight' talaga ang nangyari kay Vinda. Unang beses palang niya nakita si Erwin ay alam na agad niyang 'he's the one.'

Ginawa lahat ni Vinda para mapalapit kay Erwin at tuwing uwian ay pinupuntahan niya ito. Matapos ang ilang panahon ay nahulog na rin ang loob nito sa kanya.

Nagsimula silang mag-date ng 2011. Hindi naging madali ang dinanas nila dahil maraming nagalit at tumutol sa kanilang relasyon.

Pero matapos ang pitong taon ay nauwi rin sa 'happy ending' ang kuwento nila dahil taong 2018 ay kinasal na ang dalawa.

Pinost ni Erwin sa kanyang social media account ang timeline ng kanilang kakaibang kuwento. Kapansin-pansin na bata pa silang pareho sa naunang larawan, lalo na si Vinda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel