Di na naawa! Pinay, tinraydor ng kapwa OFW, iniwang baon sa utang sa HK

Di na naawa! Pinay, tinraydor ng kapwa OFW, iniwang baon sa utang sa HK

- Isang Pinay OFW ang nabaon sa utang dahil sa ginawang pagtulong sa kapwa Pinay

- Nagsanla si ate ng alahas at nag-loan dahil kinailangan ng kapwa ng pambayad sa ospital ng nanay

- Pagkatapos ng lahat, di na nagpakita at di binayaran si ate, nalugmok sa mahigit-kumulang na P125,000 na utang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pinay OFW sa Hong Kong na si Rosalina Canque Cain ang nanlulumo dahil naiwan siyang baon sa utang pagkatapos tulungan ang kapwa Pinay.

Nalaman ng KAMI na tinulungan ni Rosalina ang kapwa OFW na si Maria Guimao-Bowes dahil kinailangan niya ng pera nang maospital ang kanyang ina.

Ayon sa OFW Tambayan, noong June 2018, nagmakaawa si Maria na tulungan ni Rosalina sa problemangn pinansyal dahil nga sa inang nagkasakit.

Wala namang savings si Rosalina kaya kinumbinse siya ni Maria na magsanla ng alahas.

Di na naawa! Pinay, tinraydor ng kapwa OFW, iniwang baon sa utang sa HK
Di na naawa! Pinay, tinraydor ng kapwa OFW, iniwang baon sa utang sa HK (Photo: FB screenshot via OFW tambayan)
Source: Facebook

Nagsanla nga si ate ng alahas at nakakuha sila ng HK$ 8,658 (P58,000). Dahil kulang pa rin, kinumbinse siya ulit ni Maria na mag-loan.

Di humindi si Rosalina at nag-loan n HK$10,000 (P67,100). Nasa mahigit kumulang P125,000 ang nakuhang pera ni Maria kay Rosalina, resulta ng pagsanla at pag-loan ng alahas.

Di na naawa! Pinay, tinraydor ng kapwa OFW, iniwang baon sa utang sa HK
Di na naawa! Pinay, tinraydor ng kapwa OFW, iniwang baon sa utang sa HK (Photo: FB screenshot via OFW tambayan)
Source: Facebook

Kaya lang, ang pangakong babayaran ni Maria ang lahat pagkatapos ng isang buwan ay di dumating.

Ang masaklap pa, umuwi si Maria sa Pinas dahil nawalan ng trabaho, at nabalitaan na lang ni Rosalina na nakapag-asawa ng Canadian October 2018.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang ngayon, patuloy na binabayaran ni Rosalina ang sinanlang alahas at loan na ginamit ni Maria para sa kanyang ina.

Sana makarating ang inupload na video na ito ni LynRose Suarez Canque sa Facebook kay Maria at maawa sa Pinay OFW na iniwan niyang baon sa utang sa Hong Kong.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)