Tone-toneladang basura, ibabalik na sa South Korea

Tone-toneladang basura, ibabalik na sa South Korea

- Inanunsyo na ang pagbalik ng mga basura sa South Korea

- Nakatakdang ibalik ito sa January 9 matapos ang bilateral meeting ng Pilipinas at Korea

- Halos nasa 6,500 na tonelada na basura umano ang ibabalik sa Korea

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibabalik na ng Pilipinas sa South Korea ang mga ilegal na basurang kanilang itinambak sa Misamis Oriental. Nalaman ng KAMI na halos 6,500 na tonelada ang basurang nakatakdang ibalik sa January 9.

Tila may mga mapanganib na basura ang nakita sa padalang dumatong sa Mindanao International Container Terminal ayon sa balita ng ABS-CBN News noong Hulyo. Ilan sa mga laman ng basura ay gamit na dextrose tubes, diapers, bombilya, at mga battery base sa ulat ng CNN Philippines.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala raw import permit mula sa environment department at sinabing “plastic synthetic fakes” umano ang mga ipinadala. Napagdesisyunan ang pagbalik ng basura sa South Korea matapos ang meeting na naganap sa pagitan ng Pilipinas at Korea noong December 27 at 28, 2018.

Dati namang naiulat ng KAMI na may mga natagpuang libu-libong basura sa Cagayan de Oro City noong Nobyembre. Giit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay baka nakalusot daw ito sa Bureau of Customs (BOC) dahil sa misdeclaration.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Details regarding text messages between Christine Silawan & boyfriend get revealed

Details regarding text messages between Christine Silawan & boyfriend get revealed

NBI reveals details about text messages between Christine Silawan & boyfriend
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel