Tricycle driver, nakapulot ng P37K, piniling isauli kahit kinabukasan kaarawan na ng anak

Tricycle driver, nakapulot ng P37K, piniling isauli kahit kinabukasan kaarawan na ng anak

- Isang tricycle driver ang umani ng papuri pagkatapos sa kabayanihang ipinakita

- Naiwan ang isang wallet na may lamang cash na P37,126 at imbes na gamitin ay pinili niyang isauli ito

- Ito'y sa kabila ng kahirapan nila at kinabukasan ay kaarawan pa ng anak niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng kahirapan na marami ang dumadanas ngayon, may mga tao pa ring pinipili ang maging matapat sa kapwa.

Isa na rito si Victoriano Aringay at ang asawa niyang si Che-Che Aringay.

Nalaman ng KAMI na tricycle driver si Victoriano at may napulot na wallet sa kalsada ng San Juan Street na may lamang P37,126.

Imbes na gamitin ang pera, lalung-lalo na't kaarawan ng anak niya kinabukasan, pinili niyang isauli ang pera.

Tricycle driver, nakapulot ng P37K, piniling isauli kahit kinabukasan kaarawan na ng anak

Tricycle driver, nakapulot ng P37K, piniling isauli kahit kinabukasan kaarawan na ng anak (Photo: youtube Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Kaya naman pumunta siya sa Tulfo in Action upang isoli sa may-ari ang nasabing wallet.

Isang nagngangalang Jennifer ang may ari, pero ang kanyang tiyuhin na ang nag-claim ng wallet.

Sabi nga ni Victoriano, di niya ikinakailang natukso siya sa pera, lalo't birthday ng anak kinabukasan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Saad naman ng asawa ni Vic, ilang beses na raw na may naiwan sa tricycle at sa bawat pagkakataon, sinasauli nila ang anumang makita.

Minsan nga ay nakapulot si Vic ng pera at bukas manganganak na si misis niya.

Kahit wala silang pera, sinauli pa rin nila iyon, at ayon pa sa asawa, ka awa ng Diyos, wala silang binayaran sa ospital at mabuti ang pagkakapanganak niya.

Pinalakpakan ang katapatang ipinakita nina Vic at Che Che. Sila ang maituturing na mga modernong bayani.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel