Liza Soberano, tinuldukan na ang chika na na-hack ang IG account niya

Liza Soberano, tinuldukan na ang chika na na-hack ang IG account niya

- Nagulantang kahapon, January 1, 2019, ang mga fans at iba pang 8.8 million followers ng World's Most Beautiful Hall of Famer na si Liza Soberano nang nabura ang mga 2018 IG photos nito

- Ilang oras pa lang sa pagbahagi namin ng balita ay lalong dumarami ang pagbura ng kanyang mga pictures, hanggang naging 0 posts na ito

- Kaya naman, nawindang ang mga faney na baka na-hack nga daw ang page ng magandang aktres pero sa wakas ay tinuldukan na niya ang lahat ng haka-haka at nagpaliwanag

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa pagbukas ng bagong taon ay siya ring pagkabura ng lahat ng mga 2018 posts ng Kapamilya actress Liza Soberano sa Instagram, na ikinabahala ng kanyang mga tagasubaybay.

Naispatan ng KAMI ang mga naturang komento at reaksyon sa mga alalang-alalang mga fans ng World's Most Beautiful Hall Of Famer at Philippine's Darna na si Liza dahil rito.

Ilang oras pa lang ng ibinahagi namin ang balita ay lalong nauubos ang mga posts ng magandang aktres, hanggang naging 0 post na lang ito.

Kaya naman lalong nag-alala at nalungkot ang mga fans dahil dito, at nakaisip na baka raw ay na-hack ang IG account ni Liza dahil hindi naman daw ito gagawin ng aktres ang pagbura ng kanyang mga posts.

Dahil na rin siguro sa maraming fans ang nag-alala ay nagbigay na ng pahayag ang magandang aktres sa isang Instagram video stories niya.

Makikita ang isang selfie picture niya, na nilagyan pa niya ng caption sa taas na:

"First selfie this 2019"

At sa baba ay ang paliwanag niya at pagtapos sa mga haka-haka na na-hack daw account niya.

"Don't worry guys I'm not hacked. Just wanted a fresh start!"

Agad naman itong nirepost ng kanyang mga fans para ishare sa iba pang mga tagahanga ng aktres.

Ibinahagi namin kamakailan lang ang paghirang sa magandang actress sa Hall of Fame ng World's Most Beautiful, na tiyempo rin ang pagkabura ng mga 2018 IG posts niya.

Si Liza Soberano ay ang isa sa bumubuo sa isa sa mga sikat na loveteam sa showbiz na Lizquen at ang bagong gaganap na Darna.

POPULAR: Read more news about Liza Soberano here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Neri Miranda's newest business venture reflects her creativity

Neri Miranda shows off her wonderful new business- Neri's Not So Secret Garden

Neri Miranda shows off her wonderful new business- Neri's Not So Secret Garden
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel