Napagkamalang kahoy sa dagat, bangkay ng 6-anyos na posibleng ginahasa

Napagkamalang kahoy sa dagat, bangkay ng 6-anyos na posibleng ginahasa

-Inakalang kahoy lang na palutang-lutang ang bangkay ng batang babae sa dagat

-Ang nakakuha pa sa kanya, ang kanya mismong ina

-Ang suspek naman na 20-anyos na kapitbahay nila, mariing itinanggi na siya ang may gawa ng krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Posibleng ginahasa at tsaka nilunod sa dagat ang 6-anyos na batang babae na natagpuang palutang-lutang ang katawan sa dagat.

Ayon sa kapatid nito, noong una'y inakalang kahoy ang lumulutang malapit sa kanilang bahay. Ngunit laking-gulat ng kanilang ina nang madiskubreang ang anak pala iyon.

"Sabi ng mama ko, bababa siya sa dagat kasi parang may kahoy na natumba doon sa may haligi malapit sa amin. Hihilahin niya sana kasi akala niya kahoy lang. Nang ilawan niya, una niyang nahawakan ang legging ng kapatid ko," ayon kay Dophie Baumbad, kapatid ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, posibleng ginahasa ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Mayroon tayong nakita medyo mali sa kaniyang private parts. Nakababa yung underwear niya pero nakataas ang kaniyang pajama. Kung titignan mo parang ginahasa talaga siya." pahayag ni Police Chief Inspector Reuben Libera, hepe ng Sasa Police.

Ang suspek namang si Limar Cano, 20-anyos na kapitbahay ng biktima, mariing itinanggi ang akusasyon.

Ayon kasi sa ulat, umakyat sa boarding house ng suspek ang biktima.

Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang ang resulta ng medico legal.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel