Apo ni Dolphy, bumida sa It's Showtime Tawag ng Tanghalan

Apo ni Dolphy, bumida sa It's Showtime Tawag ng Tanghalan

- Bumida ang apo ng yumaong Hari ng Komedya na si Dolphy Quizon sa segment ng It's Showtime na Tawag ng Tanghalan, kahapon, January 1, 2019

- Nakapanayam siya ng mga hosts ng show na sina Vhong Navarro at Vice Ganda, at dito, naikwento niya ang kanyang relasyon sa Philippine's King of Comedy

- At gaya rin ng kanyang pumanaw na lolo, nakipagbiruan si Rowell Quizon kina Vhong at Vice, at game na game rin na ginayaw ang mga sikat na mga mang-aawit

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos raw ni Dolphy, dumating umano sina Vandolph at Epy, na gaya rin ng yumaong Hari ng Komedya na ama ay magagaling rin na mga komedyante ang dalawa.

Ika pa nga nila, ang angking talento at magaling na tiyempo sa komedya ay nalalaytay na sa dugo ng Quizon, at ngayon, spotted ng KAMI, ang isa sa ibang henerasyon ng pamilya.

At ito nga ay ang apo ng late Philippine's King of Comedy na si Rowell Quizon, na bumida sa Tawag ng Tanghalan ng It's Showtime, kahapon, January 1, 2019, ayon na rin sa pagpublished ng video sa YouTube at balita sa ABS-CBN News.

Pagkatapos magperform sa naturang segment ng show, nakipagkulitan at kwelahan si Rowell sa mga It's Showtime hosts na sina Vhong Navarro at Vice Ganda.

Bumida pa ng mga paggaya sa mga kilalang mga mang-aawit sa bansa, kasama pa ang mga hurado sa show na sina Jaya at Ogie Alcasid.

Ang father of two na si Rowell ay taga-Tondo raw na nagpeperform rin umano sa mga comedy bars ay pinatawa rin ang mga madlang pipol sa kanyang bersyon ng sikat na sayaw ni Vice Ganda at ang kanyang galing sa paggaya sa pumanaw na lolo.

Si Rowell Quizon ay ang anak daw ng yumaong Freddie Quizon, na isa rin umanong aktor at isa sa mga anak ng Hari ng Komedya na si Dolphy Quizon kay Engracia Dominguez.

Sa kabuuan 18 daw ang mga anak ng Comedy King sa anim na nakarelasyon nito.

Naging semifinalist din diumano ng 3rd season Pilipinas Got Talent noong 2011, si Rowell, at umaasa rin na gumawa ng kanyang sariling pangalan sa showbiz.

Pero sa kasawiang palad ay hindi raw siya umabot sa final round ng TNT noong Martes, January 1, 2019.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's photos to promote product

K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's pictures to promote product

K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's pictures to promote product
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel