Maingay daw kasi! Congressman Pacquiao, inakusahang nambugbog umano ng dalawang menor de edad

Maingay daw kasi! Congressman Pacquiao, inakusahang nambugbog umano ng dalawang menor de edad

- Inakusahan ng dalawang menor de edad si Sarangani Representative Rogelio Pacquiao na nambugbog sa kanila

- Ito umano'y naganap noong New Year's Eve sa General Santos City dahil nainis si Pacquiao sa ingay ng kanilang motor

- Nakababatang kapatid ni Sen. Manny Pacquiao si Rep. Rogelio Pacquiao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang menor de edad ang nag-akusa kay Sarangani Representative Rogelio Pacquiao na umano'y nambugbog sa kanila noong bisperas ng New Year.

Nalaman ng KAMI na nairita daw sa ingay ng mufflers ng motorsiklo na dala-dala ng dalawang menor ang nakababatang kapatid ni Sen. Manny Pacquiao.

Ayon sa report ng Manila Bulletin, ang dalawang menor, 14 at 15, ay dumaan sa bahay ng kongresista noong New Year's Eve na may "maingay" na mufflers ng motorsiklo na kinairita ng kongresista.

Sila'y pinarahan ng bodyguard ni Cong. Pacquiao na si PO2 Estrada lagpas 10 p.m. sa Barangay Apopong, General Santos City.

Maingay daw kasi! Congressman Pacquiao, inakusahang nambugbog umano ng dalawang menor de edad

Maingay daw kasi! Congressman Pacquiao, inakusahang nambugbog umano ng dalawang menor de edad (Photo: 17th congress neophytes)
Source: Facebook

Ito ang umano'y nireport ng dalawang menor sa Police Station 2.

Sinalaysay pa nila na dinala sila sa compound ng bahay ni Cong. Pacquiao, kung saan sila umano'y binugbog ni Pacquiao at ng bodyguard nito.

Noong New Year's Day, pinatawag ng congressman ang mga magulang ng dalawang bata sa barangay hall ng Apopong.

Naging barangay chair ng Apopong si Cong. Pacquiao hanggan sa inihalaal siyang congressman ng Sarangani.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa dialogue, ang mga menor, kasama ng kanilang mga magulang, ay binawi ang kanilang unang salaysay sa mga pulis.

Mistaken identity daw at hindi sila sigurado kung si Cong. Pacquiao nga ang nanakit sa kanila dahil madilim daw sa bahay ng kongresista ng gabing iyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel