Laban lang! 15-anyos na 3x dinadialysis isang araw, iniisip kung paano itatawid ng ama ang 2019 para mabuhay siya

Laban lang! 15-anyos na 3x dinadialysis isang araw, iniisip kung paano itatawid ng ama ang 2019 para mabuhay siya

- Isang 15-anyos ang nagbahagi ng kanyang ninanais para sa 2019

- Siya'y dinadialysis tatlong beses isang araw at tricycle driver lamang ang kanyang ama

- Kung ang iba daw ay malungkot dahil walang bagong sapatos at bagong damit sa pasko, ang sa kanya lang ay kung paano itatawid ng ama ang 2019 para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang post ng 15-anyos na si Jhecel Agustin ang umantig sa mga puso ng netizens.

Nalaman ng KAMI na siya'y dinadialysis tatlong beses isang araw dahil sa sakit na Chronic Kidney Disease stage 5 (CKD).

Either ida-dialysis siya o magpapa kidney transplant siya upang mabuhay, ngunit sobrang mahal ng huli.

Ang tatay ni Jhecel ay isang tricycle driver at si papa na raw niya ang nagda-dialysis sa kanya kada 8 oras.

Kung saan-saan na raw nakapunta ang papa niya para makahingi ng tulong pinansiyal upang makabili ng pampa-dialysis niya, dahil nga konti lang ang kita ng isang tricycle driver.

Sa murang edad, marami pang pangarap si Jhecel. Iniwan na raw siya ng kanyang ina at di rin siya umiinom o naninigarilyo.

Pero sa kabila ng lahat, nagpapasalamat si Jhecel na di po siya hinayaang mawala sa kanyang papa.

Eto ang buong post ni Jhecel:

"Yung iba malungkot dahil magpapasko na, wala pa raw silang bagong damit, sapatos at jowa.
Ako, iniisip ko kung paano namin maitatawid ni papa ang taon na to para mabuhay ako.
Ako po si Jhecel Agustin, 15 years old at isang estudyante na tinamaan ng sakit na Chronic Kidney Disease stage 5 (CKD). Sa edad kong 15 yrs old naka tubo na ako sa tagiliran at mag dadialysis na habang buhay o kaya naman kidney transplant na milyon ang katumbas na halaga para madugtungan ang buhay ko dahil hindi na po nag pafunction ang isang kidney ko.
Tatlong beses sa isang araw ako kailangan idialysis. (opo, tama po kayo ng pagkakabasa, 3x a day po ang dialysis ko)
Si papa ay isang tricycle driver at siya rin mismo ang nag da-dialysis sa akin every 8 hours.
Kung saan-saan nagpupunta si papa para humingi ng tulong pang pinansyal para lamang makabili ng pang dialysis ko dahil kakaunti lamang ang kita ng isang tricycle driver at di aabot sa pang araw araw kong gamutan. Minsan iniisip ko kung bakit ako? Bata pa ako at marami pang pangarap. Iniwan na rin ako ng mama ko. Hindi naman ako naninigarilyo at umiinom ng alak. Pero kahit ganun pa man, Salamat po AMA dahil di niyo po ako hinayaan mawala kay papa.
Maraming salamat papa at hindi ka sumusuko para mabuhay ako, salamat din po sa mga taong tumulong kay papa para makabili ng pang dialysis ko.
ANG INYONG DONASYON PO AY MALAKING TULONG NA PO PARA MADUGTUNGAN PO ANG BUHAY KO.
MARAMING SALAMAT PO!!! GODBLESS AND MERRY CHRISTMAS PO SA INYONG LAHAT.
Sa ngayon po wala po kaming bank account kasi di po kami marunong.
Palawan Express / Western Union
Name: Jeimee Agustin
Address: 1268 Dinalupihan St. Tondo, Manila
Contact#: 09295628701"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatay na sekyu, nireklamo ng anak at gusto pang ipakulong

Tatay na sekyu, nireklamo ng anak at gusto pang ipakulong

Tatay na sekyu, nireklamo ng anak at gusto pang ipakulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel