Swerte sila! 5 'New Year babies' sa Fabella, may regalong matatanggap

Swerte sila! 5 'New Year babies' sa Fabella, may regalong matatanggap

-Dalawang New Year babies ang masayang sinalubong ng mga nurses at staff ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital

-Ayon sa senior house officer ng ospital, ngayon na lang ulit sila nakaranas na magkaroon ng New Year babies

-Para sa 2019 5 New year babies ang makakatanggap ng regalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lagpas isang oras nang isilang ang kauna-unahang sanggol na ipinanganak sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.

Pinangalanan baby Zairah itong si baby Zairah. Ang ina nito ay si Lenie Bonto, 31, housewife na nakatira sa Quezon City.

"[Sana] maging good health po siya at makapagtapos siya ng pag-aaral at lumaki siya nang mabait," hiling nito.

Isa pang sanggol ang ipinanganak tatlumpung minuto pagkatapos isilang ni baby Zairah.

Ayon kay Dra. Prima Donna Napa-Lim, senior house officer ng ospital, ngayon na lang sila nagkaroon ng New Year babies.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"For the New Year babies since we're all here in the hospital, it's really, instead of being with our family, they're our family," anito.

Naging tradisyon na rin daw nila ang pagkilala sa mga sanggol na ipinanganak sa Bagong Taon.

Sabi pa ni Dra. Napa-Lim, may mga donor na nagbibigay ng mga kagamitan para sa mga New Year babies.

Para sa taong 2019, limang sanggol sa Fabella ang makakatanggap ng regalo.

Swerte sila! 5 'New Year babies' sa Fabella, may regalong matatanggap

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalawang batang beki, kinagiliwan sa pagrampa gamit ang 'imaginary heels'

Dalawang batang beki, kinagiliwan sa pagrampa gamit ang 'imaginary heels'

Dalawang batang beki, kinagiliwan sa pagrampa gamit ang 'imaginary heels'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel