Wala silang kalaban-laban! Yaya, nilaslas ang leeg ng kanyang mga alaga edad 6 at 2

Wala silang kalaban-laban! Yaya, nilaslas ang leeg ng kanyang mga alaga edad 6 at 2

-Dilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo ang dalwang batang biktima ng kanilang yaya

-Nilaslas sa leeg ang mga ito ng suspek na ilang taon nang naninilbihan sa kanila

-Depensa ng suspek, nawala lamang siya sa sarili ng mga panahong iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naliligo sa sariling dugo at dilat ang mga mata ng dalawang bata na sina Lulu, 6-anyos at Leo, 20 buwang gulang nang madatnan ang mag ito ng kanilang ina.

Ayon sa ulat, umuwi ang ina ng mga ito nang malamang hindi nakapunta sa dance class nito ang batang si Lulu.

Nang makarating sa apartment bandang 5:10 p.m, agad na itinanong ng ginang sa security guard ng building kung nakita nito ang kanyang mga anak.

At sinagot naman nitong hindi.

matapos nito, umakyat na raw ang ginang sa kanilang apartment at maya-maya'y nagulat na lamang ang sekyu ng magsisigaw daw ito at sinabing pinatay ang kanyang mga anak!

Ayon sa kwento ng ginang, nakita niya ang mga anak na nasa bath tub, dilat ang mga mata, may laslas sa leeg at naliligo na sa sariling dugo.

Ang masaklap pa ay kasama niya ang kanyang 3 taong gulang na anak na nakasaksi ng trahedya.

Nakita rin umano nila ang pagsaksak ng suspek sa sariling leeg nito!

Ang suspek na si Yoselyn Ortega, 55 ay sinampahan ng kasong murder.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nag-plea ito ng not guilty dahil umano wala ito sa sariling isip ng mga panahong iyon.

Maaari itong mahatulan ng habang-buhay ng pagkabilanggo sakaling mapatunayang ito ay guilty at kung mapatunayan naman nito ang kanyang depensa mapupunta ito sa isang psychiatric facility.

Dalawa at kalahating taong nanilbihan ang suspek sa pamilya, minsan na rin daw naisip ng ginang na alisin na ito dahil sa mga napapansing ikinikilos nito. Naisip umano niya na posibleng ang problema nito sa anak ang dahilan.

“I knew that she was going through a rough period,” anito “She was not quite, she was just not her normal self.”

Ngunit nagbago rin daw ang kanyang isip.

“There was nothing to fire her over,” ani ng ginang. “She was on time every day. She was interacting with the kids. She was doing most of her job.”

Source: New York Times, The Asianparent Philippines

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Panglima na! Nakakaalarma na! 3 pang foreigner, nalunod din umano sa Maldives ngayong buwan

Panglima na! Nakakaalarma na! 3 pang foreigner, nalunod din umano sa Maldives ngayong buwan

Nakakaalarma na! 3 pang foreigner, nalunod din umano sa Maldives ngayong buwan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel