Dahil sa sobrang galit! Ina, naihagis ang 4-anyos na anak mula sa 4th floor

Dahil sa sobrang galit! Ina, naihagis ang 4-anyos na anak mula sa 4th floor

-Dahil sa hindi nakontrol na galit, isang apat na taong gulang na batang lalaki ang naihagis ng kaniyang ina mula sa ikaapat na palapag

-Katatapos lang umanong ma-finalize ang divorced ng mga magulang nito at ang away ng ama at ina nito ang naging sanhi ng insidente

-Hanggang sa kasalukuyan ay gumugulong pa ang imbestigasyon kaugnay ng insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nakontrol ng isang ginang sa Hong Kong ang kanyang galit para sa dating asawa kung kaya naman naging sanhi ito para makagawa siya ng ikina-pahamak ng 4-anyos nitong anak.

Ayon sa ulat, katatapos lang umanong ma-finalize ng divorce ng mag-asawa at napunta sa pangangalaga ng ama ang apat na taong gulang nilang anak na lalaki.

Habang ang anim na taong gulang na anak nila ay nasa pangangalaga naman ng ina ng mga ito.

Ayon sa ama ng mga bata, humiling umano ang ina ng pagkakataon na makasama ang kanilang bunso at agad naman daw pumayag ang lalaki sa dating asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit nang kukunin na umano niya mula sa ginang ang anak ay doon na nagsimula ang kanilang away.

Bigla na lang umanong kinuha ng ginang ang 4-anyos na bata at tsak inihagi sa bintana sa ikaapat na palapag!

Mabuti na lamang at sumabit ang bata sa mga kable at bumagsak sa malalambot na kahon.

Ngunit nagdurugo ang likod ng ulo nito nang ito'y masaklolohan na. Agad naman dinala ang kawawang bata sa ospital

Dahil sa sobrang galit! Ina, naihagis ang 4-anyos na anak mula sa 4th floor

Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Source: The Asianparent, The Strait Times

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakaalarma na! 3 pang foreigner, nalunod din umano sa Maldives ngayong buwan

Nakakaalarma na! 3 pang foreigner, nalunod din umano sa Maldives ngayong buwan

Nakakaalarma na! 3 pang foreigner, nalunod din umano sa Maldives ngayong buwan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel