Pagsabog sa 1 mall sa Cotobato, 2 patay, mahigit 30 sugatan

Pagsabog sa 1 mall sa Cotobato, 2 patay, mahigit 30 sugatan

-Dalawa ang kompirmadong patay habang 34 ang sugatan sa pagsabog sa isang mall sa Cotobato

-Ayon sa mga awtoridad, maituturing itong isang klase ng terorismo

-Sa isang kuha ng video, makikita pa kung paanong nagtakbuhan ang mga tao at nasundan na ng malaking usok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kita pa sa isang kuha ng CCTV ang pagtatakbuhan ng mga tao na nasundan ng usok. Kuha ito noong Lunes, Bisperas ng bagong taon sa isang mall sa Cotobato.

Dalawa ang kompirmadong patay habang nasa tatlumpo't apat na ang sugatan sa pagsabog sa Southseas Mall sa Barangay Poblacion 5, Cotabato City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mariam Ulama Cali at Jonathan Torianao.

Isang improvised explosive device (IED) ang naging sanhi ng pagsabog.

Itinanim umano ito malapit sa mga nagtitinda ng torotot at pailaw, ayon sa Cotabato police.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Maj. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Philippine Army 6th Infantry Division, may mga nasaktang menor de edad sa insidente.

Pag-amin ni Sobejana, nalusutan sila sa bahaging iyon ng mall.

"We're actually providing security (in the area) but we missed a spot because of the high number of people around," anito.

"The (improvised explosive device) that exploded earlier carries the signature of a Daesh-related group," dagdag niya.

Source: ABS-CBN News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel