2-anyos na batang lalaki, patay nang dahil lang sa kurtina

2-anyos na batang lalaki, patay nang dahil lang sa kurtina

-Naiwang mag-isa ang 2-anyos na batang lalaki habang naglalaro ito sa kanilang bahay

-Kwento ng stepmother nito na nagluluto lamang daw ng pagkain ng bata, nagtaka raw siya sa biglang pagtahimik ng bata

-Nang silipin niya ito ay 'di na umano ito humihinga pa at sakal-sakal ng curtain rope

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Idineklarang dead on arrival na ang dalawang taong gulang na batang lalaki nang isugod ito sa Raja Permaisuri Bainun Hospital.

Ayon sa ulat, naiwang mag-isa ang batang lalaki sa kanilang sala sa bahay habang ang stepmother nito ay nagluluto naman ng kanilang pagkain.

Nagtaka na umano ang babae nang mapansing tahimik ang bata kaya agad niya itong sinilip.

Laking-gulat daw nito ng makitang nakbigti na ito sa curtain rope ng kanilang kurtina

Agad itong tumawag ng tulong, tinawagan nito ang kapatid na babae at ang asawa na ama ng bata.

Pagkatapos ay tumawag naman ito sa ospital upang humingi ng tulong. Habang naghihitay ay sinubukan niyang gamitan ng CPR ang bata na itinuturo sa kaniya sa telepono.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dumating rin ang kanyang kapatid na babae upang tulungan siya.

Nadala sa ospital ang bata ngunit patay na ito.

Ikinamatay nito ang “compression of the neck consistent with hanging.”

Ulila na ito sa ina na namatay dahil sa breastcancer noon lamang 2017. Mayroon pa itong kapatid na 5-anyo na kasalukuyang nasa eskwelahan ng maganap ang insidente.

Ang ama naman nito ay nasa trabaho ng mga panahong iyon na isa namang lecturer sa isang university.

Maging babala muli ito para sa mga magulang. Likas na curious ang mga bata. Kinakailangan nito ng buong atensyon lalo na ang mga ganitong edad.

Source: The Asianparent

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tabinging ngiti ng 3-anyos, senyales na pala ng brain tumor

Tabinging ngiti ng 3-anyos, senyales na pala ng brain tumor

Brain tumor ng isang 3-anyos, na-detect dahil sa 'di pantay na ngiti
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel