Lalaki, nawindang sa halos 100K bill ng kanyang credit card na 'di niya ginamit

Lalaki, nawindang sa halos 100K bill ng kanyang credit card na 'di niya ginamit

-Laking-gulat daw ni Reggie Pasco nang malamang umabot sa halos 100,000 ang bill ng kaniyang credit card na 'di naman daw niya ginamit

-Nagtataka pa raw siya dahil tumawag pa sa kaniya ang kaniyang bangko upang ikumpirma ang transaksyon at sinabi naman daw niyang hindi

-Muli namang nagbabala ang bangko kaugnay sa mga scam sa credit card

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagreklamo ang konsumer na si Reggie Pasco kaugnay nang napaka-laking bill na na-charge sa kaniyang credit card na umabot sa P97,000.

Nagtataka din umano si Pasco sapagkat tinawagan pa daw siya ng kaniyang bangko kaugnay ng transaksyo na agad naman daw niyang itinaggi.

"Satisfied naman ako na walang na-compromise... Akala ko tapos na," anito ayon sa ABS-CBN News.

Ngunit natuloy pa rin daw ang transaksyon kaya na-charge pa rin siya ng halos P100,000.

Dumipensa naman ang bangko at sinabing baka daw naibigay ng biktima ang mga confidential na detalye ng kaniyang credit card.

Itinanggi naman ito ni Pasco.

"Sabi ko imposible po 'yun kasi nasa akin ang card ko for the entire time, hanggang ngayon. Walang humahawak niyan, ni asawa ko di alam ang account ko," giit nito.

Pahayag naman ng BPI, lahat naman ng reklamo ay agad nilang inaaksyunan.

"We are committed to look after the best interests of our clients at all times. If and when a client encounters a bank-related concern, it undergoes a thorough and careful investigation... Keeping our clients' funds and data safe and secure is top priority,"

Hinikayat rin ng BPI ang kanilang mga konsumer na agad na idulog sa kanila kung may natatanggap na kahina-hinalang email.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagbabala rin ang bangko kaugnay ng mas pag-iingat pa sa mga confidential na detalye ng mga account.

Nakarating na rin sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang reklamo ng complainant pero walang katiyakan kung mare-reverse ang transaksiyon o maaayos ang problema niya.

"Maaari po naming i-offer is 'yung tinatawag na mediation para pagharapin ang dalawang partido at pag-usapan pa anong puwedeng gawin," sabi ni Pia Roman Tayag, managing director ng Center for Learning and Inclusion Advocacy ng BSP.

Nanindigan rin kasi ang BPI na 'lehitimo' ang transaksyon at kailangan itong bayaran ni Pasco.

Inatasan na rin ng BSP ang mga bangko na lumipat na sa EMV o Euro Pay, Master, at Visa chip para mas mahirap ma-clone ang credit card.

Source: ABS-CBN News

Lalaki, nawindang sa halos 100K bill ng kanyang credit card na 'di niya ginamit

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel