13 Nakakawindang at nakakagulantang na balita na pinag-usapan sa 2018

13 Nakakawindang at nakakagulantang na balita na pinag-usapan sa 2018

Sa pagtatapos ng 2018 ay muli nating balikan ang mga balita na nagpawindang at nagpagulantang sa mga tagasubaybay at pinag-usapan ng husto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang iilan sa mga newsmakers na nangyari sa taong 2018, na kinabibilangan ng mga nakakagulat na mga rebelasyon, nakaka-inspire na mga pagbabago, mga kwentong pag-ibig, women empowerment, at pagpanaw ng ilang mga sikat na pangalan sa showbiz o mga mahal nila sa buhay na umagaw atensyon ng publiko.

Una naming naispatan ang iilan sa listahan sa PEP sa kanilang yearender special.

Kaya naman, narito ang 13 sa aming nahagilap na mga listahan na mga balitang mula sa iba't ibang news and media source outlet, na aming naibahagi rin, sa taong ito.

1. Paglantad sa baby bump ni Ellen Adarna sa Amanpulo, Palawan

Ani pa sa media source outlet, noong Mayo sa taong ito may nagpadala umano sa kanila ng litrato ni Ellen Adarna, na malaya daw nitong ipinakita sa publiko ang kanyang lumalaking tiyan habang nag-eenjoy sa bakasyon sa Amanpulo sa Palawan.

2. Pagkumpirma umano ni John Lloyd Cruz sa anak niya kay Ellen Adarna

Si John Lloyd Cruz na umano ang mismong nagkumpirma na mayroon na daw siyang anak na lalaki, sa kauna-unahang panahon.

Ito ay sa pamamagitan ng isang post sa kanyang Instagram account.

Nagbahagi raw ang 35-year-old actor ng isang tula na may pamagat na 'Mga Ibon' para umano kay Elias Modesto, ang pangalan daw ng anak nila ni Ellen.

3. Pag-amin at paglantad ni Liz Uy na mayroon na siyang anak at pagsiwalat tungkol sa ama nito

Nagulantang ang lahat nang malaman na may anak na nga ang celebrity stylist na si Liz Uy, at ito naman raw ay ibinahagi niya sa panayam ng Preview sa kanya.

Dito raw sinabi ni Liz na ang pangalan ng kanyang unico hijyo ay Xavi.

Pero nawindang ang lahat ng makilala ng mga tao ang ama ng kanyang anak.

Naging malakas na pasabog ang nangyari nang nalamang ng lahat ang pangalan ng ama ng anak ni Liz na si Raymond Racaza, na isa umanong negosyante at hindi pa umano hiwalay sa kanyang misis noong mga panahon daw iyon.

Bago pa raw sa paglitaw ni Liz ay may kumakalat na daw na mga cryptic posts sa isang babae na nangangalang Dr. Geraldine Zamore-Racaza at nagulantang ang lahat sa mga sumunod na mga rebelasyon.

4. Pagbunyag ni Janella Salvador na pisikal sinaktan raw siya ni Elmo Magallona

September daw sa taong ito umugong ang balita na naghiwalay na ang showbiz couple na ElNella na sina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Isang tweet daw ni Janella ang nagpawindang ng mga netizens at pinag-usapan, at sa panayam ng Kapamilya actress kay Ricky Lo ng Philippine Star dito niya isinalaysay ang lahat.

5. Pagpanaw ng iilan sa mga kilalang pangalan sa showbiz at mga mahal sa buhay ng mga artista

Marami ring mga kilalang celebrities sa buong mundo ang pumanaw bukod pa sa award-winning singer at composer na si Rico J. Puno at ang anak ni Tirso Cruz III na si Teejay Cruz.

Namaalam rin sa taong ito ang ina ni Marlo Mortel

Pumanaw rin sa taong ito ang batikang aktor na si Spanky Manikan, famed Filipino fashion designer Pitoy Moreno.

Yumao rin ang The Cranberries lead singer Dolores O'Riordan, Korean star Jeon Tae Soo, multi-awarded Queen of Soul Aretha Franklin, American fashion designer Kate Spade, American Chef Anthony Bourdain, Lynyrd Skynyrd guitarist Ed King dead, Glee actor Mark Salling, 'Mini-Me' actor Verne Troyer, 'Superman' actress Margot Kidder (gumanap na si Lois Lane kaparehas si Christopher Reeves), Rapper Mac Miller, Marvel Comics legend Stan Lee, at ang pinakahuling international celebrity na binalita na pumanaw na ay si award-winning lyricist Norman Gimbel ang nasa likod ng "Killing Me Softly" na kanta.

Namaalam na rin ang ina ni Zanjoe Marudo at ang ama ni Martin Nievera na si Bert Nievera, ama ni Ellen Adarna na si Alan Modesto, at ang aktor na si Bernardo Bernardo, Director Maryo J. Delos Reyes, at si Rolly Quizon.

6. Pagsilang ng mga bagong celebrity babies

Sa taon ring ito maraming mga celebrity babies ang isinilang o winilcome ng mga celebrity dads at kamakailan ay ibinahagi namin ang 27 sa mga celebrity babies na isinilang sa 2018 kanila.

7. Pagbubuntis ng mga kilalang celebrity moms

Pinag-usapan rin ang pagbubuntis ng mga celebrity moms gaya nina Marian Rivera, Nadine Samonte, at Camille Prats.

8. Pagpapakasal ng ilang mga celebrities

Marami ring mga artista ang ikinasal sa taong ito gaya ng dating PBB housemate Cathy Remperas sa non-showbiz boyfriend nito at ni Kylie Padilla at Aljur Abrenica, at kamakailan lang ay sina Iza Calzado at Ben Wintle.

9. Pagdeklara kay Mader Sitang na persona grata sa Pilipinas

Matapos umano ang masaya at pinag-usapang pagbisita sa bansa ng sinasabing Thai social media sensation na si Mader Sitang ay naging persona grata sa kanyang producer at tumatayo umanong manager niya, na dating Mr. Gay World Philippines 2000 Wilbert Tolentino.

10. Pagbulgar ni Sunshine Cruz sa 'honeymoon nightmare' at pang-aabuso umano ng dating mister

Naging usap-usapan rin ang balita nang pagbahagi ni Sunshine Cruz sa mapait na pinagdaanan umano niya sa dating mister hanggang sa pagka-annul ng marriage nila.

11. Pag-viral at sa birthday video greeting ni Cesar Montano

Marami rin ang nagulantang sa viral birthday video ni Cesar Montano na ginawan pa ng memes at parodies.

12. Pagfile ng kaso ni Gretchen Fullido sa mga ABS-CBN colleagues

Isang malaking eksplosibo naman ang pagfile ni Gretchen Fullido ng se*xual harassment at libel complaint umano ng huli laban sa kanyang ABS-CBN colleagues.

13. Pagsikat sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018

Ang pinag-uusapang lava walk na may slow-mo twirl pa ni Catriona Gray.

Kamakailan ay ibinahagi din namin ang 10 Celebrity newsmaker ng 2018.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we celebrate the birth of Jesus Christ together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel