1 buwang baby, binawian ng buhay nang biglang tumigil sa paghinga habang natutulog

1 buwang baby, binawian ng buhay nang biglang tumigil sa paghinga habang natutulog

- Isang sanggol ang binawian ng buhay sa hindi maipaliwanag na dahilan

- Natutulog diumano ang isang buwang sanggol habang karga-karga ng kanyang ama

- Napag-alamang maaring isa daw siya sa mga sanggol na namatay dahil sa Sudden Infant Death Syndrome (SIDS)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Karson Winter-Hulley, isang four weeks old na baby na binawian ng buhay habang natutulog sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Kuwento ng ama na si David Hulley, dalawang oras matapos bigyan ng dede at sabay na makatulog sa kanilang sofa ay bigla nalang siya nagising na tila may kakaiba na sa kaniyang anak.

Bandang alas 5:30 nang umaga nang matapos siyang padedehin at nakatulog na si Baby Karson sa braso ng kanyang ama. Nakasandal lamang daw siya at hindi nakahiga.

Nang magising makalipas ang dalawang oras ay pinagtaka ni David kung bakit tila iba ang kulay ng balat ng anak. Kaya tumakbo siya sa asawang si Beverly Winter upang ipaalam ang nakitang kakaiba sa anak.

1 buwang baby, binawian ng buhay nang biglang tumigil sa paghinga habang natutulog

1 buwang baby, binawian ng buhay nang biglang tumigil sa paghinga habang natutulog
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kabila ng pag resuscitate, wala na talaga silang nagawa at wala nang buhay ang baby.

Ayon naman sa imbestigasyon ng mga pulis, sinabi nilang wala silang nakitang kahina-hinala sa pagkamatay ni Baby Karson. Sa halip ay nakita nila na ito raw ay nakatira sa maayos at mapagmahal na tahanan.

Ayon pa sa ulat ng The Asian Parent, ito daw ay isang kaso ng Sudden Infant Death Syndrome o SIDS. Ito ang hindi maipaliwanag na biglang pagkamatay ng mga sanggol na isang taong gulang pababa.

Bagamat hindi pa matukoy ang eksaktong dahilan nito, ito daw ay maaring dahil sa dalawang bagay. Maaring ito ay dahil sa physical factors o kalagayan ng kalusugan ng isang sanggol at sa sleep environmental factors o posisyon at sitwasyon ng pagtulog nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tatay Kariton Gives Money To A Person In Need | HumanMeter

A random man (played by our actor Roi) is asking people to help him with transportation money and seems like no one believes him or cares about his trouble. But then we met Tatay Kariton who counts every peso and he did a really touching thing.

With all the horrible things happening in the world today, it can be super easy to get depressed. But believe it or not, good people still exist!

Click “Play” and restore your faith in humanity

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata para sa mga kasambahay

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel