Transgender na na-bully noon, nagtapos nang may karangalan sa PUP

Transgender na na-bully noon, nagtapos nang may karangalan sa PUP

-Si Ianne Gamboa ang unang transgender na nagtapos ng may karangalan sa Polytechnic University of the Philippines

-Ibinahagi rin ni Ianne ang kaniyang mga naranasang pangbu-bully

-Ngunit mas humigit pa rin dito ay ang pagmamahal at suporta na ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagtapos bilang Magna CumLaude sa Polytechnic University of the Philippines si Ianne Gamboa, ang unang transgender na nagtapos ng may karangalan dito.

Laking pasamalamat naman nito sa kanyang pamilya na sumuporta sa kanya mula pa noong siya'y bata pa lang.

Kwento ni Ianne, bata pa lamang daw siya ang napansin na agad ng kanyang mga magulang ang kaniyang ikinikilos.

Ayon pa sa ama nito na isang pulis, noon pa man ay nararamdaman na nila ang kakaibang hilig ng anak taliwas sa gender nito katulad ng manika.

Sabi pa ni Ianne, ramdam na ramdam niya noon pa lamang na kahit na ipinanganak siyang lalaki ay babae naman ang kaniyang turing sa sarili.

High school siya nang magsimulang mahirapan siyang iladlad ang sarili dahil na rin sa puberty. Doon na siya nagsimulang uminom ng mga hormonal pills.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit sa kabila nito, hindi raw ipinaramdam sa kanya ng mga magulang na hindi siya tanggap ng mga ito bagkus ay suportado pa siya nito.

Sa kabila nito, hindi rin daw naiwasan ni Ianne ang ma-bully noon. May mga pagkakataon ding nasaktan na rin siya ng ilan.

At kahit pa nga babaeng-babae na ang kaniyang itsura, kapag nalalaman daw ng mga manliligaw na siya'y isang transgender ay bigla na lamang daw siyang iiwasan ng mga ito.

Kaya naman bilang ganti sa pagtanggap at pagmamahal sa kanya, isang magandang regalo mula kay Ianne ang natanggap ng kanyang mga magulang na nagtapos ng may karangalan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata para sa mga kasambahay

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata para sa mga kasambahay

Isabelle Daza, ipinaliwanag ang tunay na rason sa nag-viral na kontrata
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel