OFW's wish to spend holidays in PH came true after 7 years

OFW's wish to spend holidays in PH came true after 7 years

-Sa loob ng 7 mahabang taon, isinakripisyo ng kababayan nating OFW na si Robina ang walang Pasko o bagong taon sa ibang bansa

-Ito ay para mas makaipon para sa kaniyang pamilya sa Pinas

-Ngunit ngayong taon, ang kanyang pangarap na mag-Pasko at mag-Bagong taon sa bansa kasama ng pamilya ay natupad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa tulong ng Frontrow, natupad ang hiling ng ating kababayang overseas Filipino worker (OFW) na si Robina na mag-Pasko at Bagong taon sa Pilipinas.

Kasama ng kaniyang pamilya na matagal nang 'di nakakasama sa mga ganitong okasyon, sama-sama nilang ipagdiriwang ang mga ito.

Kwento pa ni Robina, matagal niyang isinakripisyo ang walang Pasko o bagong taon sa ibang bansa para lamang may maipadala sa kanyang mga minamahal sa Pinas.

Mas pinipili na rin lang niya ang ipadala ang mga naipon kaysa ang umuwi sa sariling bansa.

Kahit na mahirap at puno ng pagsasakripisyo ang buhay-OFW, isa pa rin si Robina sa ating mga kababayang nagtitiis kapalit ng magandang buhay na pangarap.

Kaya naman, labis na kasiyahan ang kanyang naramdaman nang malamang makakauwi na siya sa Pinas sa tulong ng nasabing kompanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi rin matutumbasanang bawat reaksyon ng kanyang pamilya lalong lalo na ng kanyang mga anak na matagal nang nawalay sa kanya.

Isa lamang si Robina sa mga OFW na hindi biro ang sakripisyo para sa pamilya. Mas inuuna ang kapakanan ng kanilang mga minamahal sa kaysa sa sariling kaligayahan o minsan pa ay kaligtasan.

Kaya naman saludo ang buong KAMI sa lahat ng ating mga natatanging kababayang OFW!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister na babaero, pinagtawanan pa ang naghihinagpis na misis

Misis na gigil na gigil, pinagtawanan pa ng mister na palikero

Mister na babaero, pinagtawanan pa ang naghihinagpis na misis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel