Walang helmet! Mag-anak, patay nang bumangga ang kanilang motorsiklo sa truck

Walang helmet! Mag-anak, patay nang bumangga ang kanilang motorsiklo sa truck

-Bumangga ang isang motorsiklo sa isang truck nitong Sabado sa Davao

-Isang mag-anak ang sakay nito na tumilapon umano nang bumangga ang kanilang sinasakyang motor

-Agad na nasawi ang mga ito kabilang na ang 5-anyos na bata na mga walang suot na helmet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tumilapon umano ang mag-anak na sakay ng isang motorsiklo na bumangga umano sa isang truck sa Calinan district, Davao City.

Naganap ang insidente hapon nitong Sabado.

Kinilala ang mga ito na sila John Rey Abella, ang kaniyang misis na si Victoria at ang limang taong gulang nilang anak na si Mary Gweena ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Ang motorsiklo umano ang bumangga sa truck ayon sa report.

Ganunpaman, kulong pa rin ang driver ng truck na hindi pa napangalanan na haharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple h0micide.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Wala umanong suot na helmet ang mga biktima nang maganap ang insidente ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis.

Paalala po muli, palaging siguraduhin ang kaligtasan lalo na kapag bi-biyahe.

Kung motorsiklo ang sasakyang gagamitin, ugaliin po nating mag-suot ng mga proteksyon sa katawan katulad ng helmet.

Iwasan na rin ang mag-angkas ng mga bata sa mga motor.

Nakikiramay po ang KAMI sa pamilya ng mga ansawing biktima.

Source: ABS-CBN News

Walang helmet! Mag-anak, patay nang bumangga ang kanilang motorsiklo sa truck

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel