Pasahero, naligtas ang buhay dahil na-traffic at di nakaabot sa flight na nag-crash sa dagat

Pasahero, naligtas ang buhay dahil na-traffic at di nakaabot sa flight na nag-crash sa dagat

- Isang pasahero sa eroplano ang naipit sa traffic kung kaya't hindi siya nakasama sa flight niya

- Imbes na mainis nagpasalamat siya dahil di tumagal pagkatapos magtake off ng eroplano, ito'y nag-crash sa dagat

- Bagamat nakaligtas, nakaramdam ng lungkot si kuya dahil sa mga pumanaw na kapwa pasahero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming tao ang nagagalit kapag nami-miss ang flight. Kaya lang iba ang nangyari kay Kuya dahil ang di niya pag-abot sa flight niya dahil sa traffic ang nagligtas sa buhay niya.

Nalaman ng KAMI na ang pasaherong si Sony Setiawan ay naipit sa traffic kung kaya't di niya naabutan ang kanyang flight.

Sa report ng PinoyPatrol, ang flight ng Lion Air na sasakyan dapat ni Sony ay nag-crash sa dagat sa Java Sea.

Pasahero, naligtas ang buhay dahil na-traffic at di nakaabot sa flight na nag-crash sa dagat

Pasahero, naligtas ang buhay dahil na-traffic at di nakaabot sa flight na nag-crash sa dagat (Photo: AP)
Source: Facebook

Worse, ito'y ilang minutos lamang pagkatapos ng pag take-off nito sa airport.

Anim sa mga pasahero ng Lion Air ay mga kaibigan ni Sony.

Ayon sa salaysay ni Sony, yung flight JT610 ang karamihan binu-book nilang magkakaibigan.

Sabi pa niya, di niya naintindihan kung bakit sa araw na iyon ang traffic sa toll road ay sobra-sobra.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, na-miss niya ang flight, na siya namang naging dahilan kung bakit nakaligtas siya sa aksidente.

Sa report ng Channel News Asia, akala nung una ng pamilya ni Sony ay nasama siya sa 189 passengers.

Sabi nga ni Sony, kahit malungkot nagpapasalamat na lamang siya at buhay siya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel