Lola, naniningil lang ng utang, pinatay at pinagnakawan pa

Lola, naniningil lang ng utang, pinatay at pinagnakawan pa

- Isang 74-taon gulang na lola ang pinatay sa bahay ng suspek sa Bacoor, Cavite

- Naniningil lamang ng utang ang ginang nang ito'y paghahampasin umano ng bote

- Hindi pa nakuntento ang tinuturong dalawang suspek at ninakawan pa umano nila ang biktima

Nitong Disyembre 28, 2018, araw ng Biyernes ay nahuli ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa 74-taong gulang na si Erlinda Barron.

Hindi napigilan ng mga apo ni Erlinda ang kanilang galit nang makaharap si Mary Jane Canilong sa Bacoor City Police Station.

Ayon sa apo ng biktima na si Melissa Barron, "Tinutulungan 'yan ng lola ko. Lahat ng pangangailangan niya tapos ganun pa ginawa sa lola ko."

Nalaman ng KAMI na ginigiit ng suspek na hindi raw niya ito sinasadya, "Kayo po ba araw araw kayo bubungangaan, araw araw kayo mumurahin kahit tulog ka pa. Wala naman po akong intensyon talaga dahil wala naman po akong ginamit na weapons tulad ng sinasabi nila. Wala rin po akong ninakaw."

Ayon din kay Mary Jane, siya rin daw umano'y tinulak ng biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mahigit isang taon na ang lumipas nang mangyari ang krimen noong Agosto 2017. Kasama umano ni Mary Jane sa krimen ang kanyang live-in partner na si Rey Balore na kasalukuyang hinahanap ng pulisya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel