Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nag-shopping ng bongga sa Amerika kasama si Beth Tamayo

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nag-shopping ng bongga sa Amerika kasama si Beth Tamayo

- Binisita kamakailan lang nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo si Beth Tamayo sa Amerika

- Hindi talaga nagpaawat ang magkaibigang si Judy at Beth sa shopping spree nila doon

- Umani naman ito ng samu't saring reaksyon mula sa netizens

Talaga namang trending ngayon ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Christmas trip nila sa Amerika kamakailan lang.

Binisita ni Judy ang kanyang matalik na kaibigan na si Beth Tamayo nitong pasko, kung kaya't hindi nagpaawat ang dalawa sa shopping spree nila sa Target.

Mapapanood din sa video update ng aktres ang nakakatawang palitan nilang magkaibigan tungkol sa mga pinamili nila.

"Kamusta? Namili ba tayo? Wala 'no? Wala tayong pinamili. Ang problema ko na lang, pano ko iuuwi lahat 'to," ang sabi ni Judy kay Beth.

Nalaman naman ng KAMI na ito ay umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens.

"Hoi mga madamot magbigay naman kayo sa mga mahihirap"

"sus Target lang pla...kala ko sa Bergdorf Goodman"

"Mga pilipino nakarating lang ng america mga piling social,hindi yan bago sa ating mga.pilipino un iba nkarating lng ng america pag uwi ng pinas kunwari na hndi na marunong magtagalog nakakabuwisit tlga"

"Just love this couple juday and ryan sweet nla. c beth wow gling dn yn umarti non sayang wla cia s showbiz. xmass nlng s inyo, God bls"

"Hahaha ganyan din kme juday namili tas problema panu i uwe haha"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang nakakakilig na eksena umano ang tumambad sa mga tagahanga ng love team nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Ito raw ay ang kanilang muling pagkikita sa naganap na Christmas concert ng ABS-CBN sa Araneta Coliseum.

Si Judy Ann Santos ay lumabas sa mga sikat na proyekto tulad ng 'Mara Clara', 'Basta't Kasama Kita', at 'Ang Dalawang Mrs. Reyes.' Nagpakasal siya kay Ryan Agoncillo noong April 28, 2009. Sila ay may tatlong anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.

POPULAR: Read more news about Judy Ann Santos

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel