5 Pinag-usapang lipatan ng Kapamilya at Kapuso stars ng 2018

5 Pinag-usapang lipatan ng Kapamilya at Kapuso stars ng 2018

Ika pa nila, "The only thing constant in this life is change," kaya naman hindi na rin nakakagulat o isang malaking sorpresa na mapag-alaman ang mga iba't ibang bagay na ginagawa ng mga artista sa kani-kanilang karera.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Speaking of change, isa sa mga karaniwang nauuso sa mga artista ay ang paglipat ng kanilang bakuran o bahay na nagmamanage sa kanila.

Marami-rami rin ang lipatan na nangyari sa pagitan ng dalawang malaking istasyon at kakomptensya na GMA-7 at ABS-CBN.

Ngayon, magbabalik tanaw ang KAMI sa 5 na pinag-usapang lipatan ng Kapamilya at Kapuso stars sa taong 2018.

1. John Estrada

Ang primyadong aktor na si John Estrada ay nakilala ng husto sa Kapamilya network sa maraming TV series na kanyang ginampanan at naging host siya.

Pero noong May 2, 2018, opisyal na pumirma ng kontrata si John sa Kapuso.

2. Devon Seron

Noong March 22, naman sa taong ito, opisyal na inanunsyo ni Devon Seron ang kanyang pagiging Kapuso.

Si Devon ay nakilala sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother at naging kapareha si James Reid at nakagawa ng iba't ibang Kapamilya TV series at pelikula.

Naging bida rin siya sa isang pelikula kasama ang mga kilalang Korean actors.

3. Rayver Cruz

Nagulantang naman ang lahat nang pumutok ang balita na lumipat o balik ang matagal ng Kapamilya actor na si Rayver Cruz sa GMA noong September lang, ayon na rin sa post ng artist center nila.

Huling nakita si Rayver sa Kapamilya TV series Bagani.

4. Kiray Celis

Bago din magtapos ang taong 2018, ang homegrown talent, at dating Kapamilya child star na si Kiray Celis ay pumirma rin ng kontrata sa Kapuso.

5. Regine Velasquez

Ang pinakamalaking paglipat na siguro sa taong ito ay ang paglipat ng Asia's Songbird Regine Velasquez mula sa Kapuso to Kapamilya.

Pagkatapos ng 20 years na naging Kapuso si Regine at sa maraming haka-haka sa kanyang paglipat ay tinuldukan na nga niya ito nang pumirma sya ng kontrata sa ABS-CBN.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we celebrate the birth of Jesus Christ together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Fishball vendor, proud na makapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel