7 Breakout stars ng 2018 sa Kapamilya at Kapuso

7 Breakout stars ng 2018 sa Kapamilya at Kapuso

Sa pagtatapos ng taong 2018 at nalalapit na pagbubukas ng 2019, spotted ng KAMI ang listahan ng breakout stars ng taong ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Madalas raw na marinig sa mundo ng showbiz na para umano sumikat ang isang artista ay kailangan nila ng tamang chance o oportunidad para sila ay mapansin.

Ang sinsabing oportunidad ay diumano'y mga proyekto o kaya naman raw ay tamang papel o role, na maibabahagi at maipapakita nila ang kanilang talento.

Kaugnay rito, nagpalabas ang PEP ng listahan ng kanilang breakout stars ng taong 2018, na ayon pa sa kanila ay "nabigyan ng pagkakataon, nagpakita ng galing, at nakakuha ng atensyon" sa mga tamang tao o mga fans para lalong makilala.

Narito ang pito(7) sa kanila, in no particular order.

1. Kelsey Merritt

Gumawa ng kasaysayan ang 2 years old na Filipino-American model na si Kelsey Merritt sa buong mundo nang siya ang mapili bilang ang kauna-unahang Pinay na rumampa sa Victoria's Secret Fashion Show na ipinalabas sa buwan at taon na ito, December 2018.

Simula nito naging feature si Kelsey sa mga famous international online magazine sites, kagaya umano ng Vogue.

At dahil na rin rito, umabot agad ng mahigit 1 million followers niya sa Instagram at nabigyan ng maraming endorsements.

2. Yam Concepcion

Nagsimula daw ang 30 years old Halik star na si Yam Concepcion sa mga supporting roles.

Almost 10 years na raw si Yam sa showbiz at marami-rami na rin umano itong nagawang shows sa telebisyon at pelikula.

Subalit ngayong taon talaga daw umarangkada ang karera ni Yam na maging isang household name siya dahil sa kanyang papel na si Jade sa hit Kapamilya TV series na Halik, napinagbibidahan rin nina Jericho Rosales, Yen Santos, at Sam Milby.

3. Barbie Imperial

Hindi man umano pinalad na manalo ang "The Doll along the Riles of Albay" sa Pinoy Big Brother:737 noong 2015, ay waging wagi naman ngayon ang 20-year-old actress na si Barbie Imperial dahil kanyang role sa Kapamilya afternoon series na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, kung saan nakapareha niya si JM De Guzman.

Malayo na nga raw ang narating ng dating PBB housemate na mayroong 2.5 million followers na sa Instagram.

4. Tony Labrusca

Lumaki man raw sa Amerika si Tony Labrusca ay pumunta ito dito sa Pinas at pinangarap daw na pasukin ang showbiz upang makatulong umano na maiahon ang kanilag pamilya.

Saad pa raw nito sa Magandang Buhay last June ng taong ito:

“Ngayon naa-amaze ako, na alam ko, kahit hindi kami mayaman nung bata ako, binigyan ako ni Lord ng chance ngayon na ako naman ang mag-provide ng lahat ng mga pinangarap ko nung bata ako."

Naging "Glorious" naman ang kanyang karera ng mapalabas ang trailer ng naturang pelikula kung saan kasama niya si Angel Aquino.

May bagong primetime teleserye daw ang aktor ngayong 2019 kung saan kasama niya rito sina Bela Padilla at Jodi Sta. Maria.

5. Francine Diaz

Si Francine Diaz ay isa sa mga bida sa Kadenang Ginto, isa sa afternoon TV series ng ABS-CBN, kung saan kasama niya rito sina Andrea Brillantes, Dimples Romana, Beauty Gonzalez, Luis Alandy, at Albert Martinez.

Ang ngayong 16-year-old Kapamilya actress ya una raw gumanap bilang ang batang Erich Gonzales sa Be My Lady noong 2017 at batang Kim Chiu sa Ikaw Lang Ang Iibigin ng parehong taon.

6. Jo Berry

Maituturing naman daw na "small but terrible" si Onanay star Josephine 'Jo' Berry ng Kapuso network.

Ani pa sa media source outlet, si Jo ay may kondisyon umano na tinatawag na achondroplasia o dwarfism.

Kasabayan niya ngayon sa pag-arte ang Superstar na si Nora Aunor at ang isa pang primyadong aktres na si Cherie Gil.

7. Kyline Alcantara

Isang child star ng Kapamilya netowrk si Kyline Alcantara nang mag-umpisa sa showbiz pero nagbigyan daw ito ng break nang lumipat sa Kapuso noong 2017, sa pamamagitan ng sumikat ng husto na primetime teleserye na Kambal Karibal.

Marami ang napahanga sa husay ni Kyline na gumanap bilang isang bida-kontrabida at sa 2019 may nakatakdang teleserye na naman na pagbibidahan ng aktres, ang Inagaw na Bituin.

Sa katunayan, si Kyline Alcantara lang naman ang Pinay na nangunguna sa most googled or most search sa Google sa taong ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we celebrate the birth of Jesus Christ together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel