Mag-isa siya - literally! Netizen, sinolo ang eroplano sa kanyang viral Christmas Eve flight

Mag-isa siya - literally! Netizen, sinolo ang eroplano sa kanyang viral Christmas Eve flight

- Isang flight ng netizen ang nag-viral ngayon dahil mag-isa lang siya sa eroplano

- Ito'y literal na mag-isa siya dahil solo flight niya ang Davao to Manila sa Christmas Eve

- Wala talagang ibang pasahero siyang nakasama at sobrang saya niya na kahit mag-isa siya'y nilipad siya papuntang Manila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang solo flight experience noong Christmas Eve.

Nalaman ng KAMI na ito'y hindi dahil mag-isa siya at walang kapareha, kundi talagang sinolo niya ang flight na iyon.

Ayon sa report ng Tnp, walang ibang pasahero na nakasama si Louisa Erispe sa PAL flight PR 2820.

Siya lang at ang airline crew ng Philippine Airlines ang tanging nakasakay sa flight na iyon.

Sabi ni Luisa sa post niya, kinakabahan daw siya kaya ipinaubaya na niya sa Panginoon ang flight.

Nagpalipat-lipat din daw siya ng upuan habang nasa flight.

Eventually pinasalamatan ni Louisa ang piloto at ang crew na kahit isa lang siya ang pasahero ay nilipad pa rin siya nito.

""Hindi ko alam kung anong ibig sabihin or kung ano dapat kong isipin.

But ill be flying alone tonight sa plane. No other passenger, ako lang. Hehe

Kinakabahan ako, hahaha. Ikaw na po bahala Ama �

Update: nakalipad po ako ng maayos and nakapagpalipat lipat ako ng upuan.

KUDOS TO Philippine Airlines NA NILIPAD PARIN AKO. THE BEST AIRLINE SO FAR. ✔

Update 2: Thank you po Capt. Khalil Faustino and the rest of the crew for the safe and remarkable trip. God Bless po "

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong

Estudyanteng di makapagsagot ng exam sa sobrang gutom, dinagsa ng tulong
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel