Dahil sa labis na pag-inom ng alak, lalaki nabalot ng taba ang leeg at balikat

Dahil sa labis na pag-inom ng alak, lalaki nabalot ng taba ang leeg at balikat

-Dahil sa labis na pag-inom ng alak, isang lalaki mula sa China ang nagkaroon ng kakaibang kondisyon at nabalutan ng taba ang leeg at iba pang parte ng katawan

-21 taon na niyang dala-dala ang mabigat na kalagayan

-Dahil din dito ay nakakaranas siya ng paghihirap sa paghinga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa loob ng dalawang dekada ay dala-dala na ng 68-anyos na lalaki mula sa China ang kakaibang kondisyon na kanyang nakuha umano sa labis na pag-inom ng alak.

Ang lalaki na kinilala lamang sa apelyidong Tan ay nagkaroon ng labis na taba sa kanyang leeg at balikat.

Ang kondisyong ito ay tinatawag na Madelung's Disease. Labis na taba sa leeg at itaas na bahagi ng katawan.

Una umanong napansin ni Tan ang pagkakaroon ng taba sa leeg noong 1997 at 2011 nang tuluyan nang lumobo ito.

Ayon sa ulat, posible umanong ang labis na pag-inom ng alak ang siyang dahiloan ng pagkakaroon ni Tan ng ganitong sakit ayon sa mga doktor.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinabi naman umano kay Tan na walang dapat katakutan sa kanyang kondisyon kundi ang makaapekto ito sa kanyang paghinga.

Nitong 2017, nagkaroon ng pagkakataong nahirapan nang huminga si Mr. Tan at nakararanas na rin ng sakit dahil sa tabang bumabalot sa leeg nito.

Ayon kay Mr. Tan araw-araw daw siyang umiinom ng isang matapang na Chinese wine mula noong siya'y 40 taong gulang pa lang hanggang sa siya ay mag-66 na.

Inamin din nitong isang litro kada araw ang kanyang naiinom nito at para lang daw tubig kung ito'y inumin niya.

Taong lamang nang siya ay tumigil na sa pag-inom ng alak.

Dahil sa labis na pag-inom ng alak, lalaki nabalot ng taba ang leeg at balikat

Photo source: Daily Mail
Source: Facebook

Dahil sa labis na pag-inom ng alak, lalaki nabalot ng taba ang leeg at balikat

Photo source: Daily Mail
Source: Facebook

Source: Daily Mail, Feedy TV

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tabinging ngiti ng 3-anyos, senyales na pala ng brain tumor

Tabinging ngiti ng 3-anyos, senyales na pala ng brain tumor

Brain tumor ng isang 3-anyos, na-detect dahil sa 'di pantay na ngiti
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel