Alistong ina, naligtas umano ang anak bilang tagakarga ng droga sa departure area ng airport

Alistong ina, naligtas umano ang anak bilang tagakarga ng droga sa departure area ng airport

- Isang nanay ang nagbahagi kung paano niya naligtas ang anak sa pagiging tagakarga umano ng droga

- May lumapit daw na babae na nagbigay ng supot na may lamang cereal at saka malt at sinabing dalhin daw ng anak niya sa eroplano

- Dahil listo ang ina, nilapitan niya agad ang anak at sinabihan ang babae na siya na magdala ng gamit niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang ina kung paano kamuntikan nang umano maging tagakarga ng droga ang kanyang anak sa airport.

Nalaman ng KAMI na nasa departure area ang mag-ina nang lumayo nang bahagya ang anak.

Di naman nawala sa paningin ang bata nang mapansin niyang may babaeng nasa 30s ang lumapit sa anak niya.

Ayon sa report ng The Asian Parent, may dala daw na dalawang supot ng "chocolate malt drink" ang babae.

Ayon sa salaysay ni Latifah Mohamad, sabi ng babae ay dadalhin daw niya ang dalawang supot sa mga anak niya sa Indonesia.

Friendly daw ang babae na nasa Kuala Lumpur International Airport 2 (KLIA2) kaya di humindi ang anak niya.

Alistong ina, naligtas umano ang anak bilang tagakarga ng droga sa departure area ng airport

Alistong ina, naligtas umano ang anak bilang tagakarga ng droga sa departure area ng airport (Photo: wikimedia commons)
Source: Facebook

Kaya lang nang lapitan ni Latifah, napansin niya na wala namang ibang bagahe ang babae.

Inexplan sa kanya ng anak na kailangan ng tulong ng babae na madala ang mga Milo sa Indonesia para sa mga anak.

Dahil sa mga naobserbahan ni Latifah, minabuti na rin niyang ilayo ang anak.

Sinabihan niya ang babae na either bayaran niya ang extra weight o itapon na lang ang chocolate malt.

Alistong ina, naligtas umano ang anak bilang tagakarga ng droga sa departure area ng airport

Alistong ina, naligtas umano ang anak bilang tagakarga ng droga sa departure area ng airport (Photo: wikimedia commons)
Source: Facebook

Bagamat hindi nakita ni Latifah kung mayroon nga bang droga sa loob ng mga Milo na packs, ang kanyang kutob bilang ina ang siyang nagligtas sa posibleng kapahamakan ng anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel