Babala sa mga magulang! Babae, muntik na umanong makuhanan ng anak

Babala sa mga magulang! Babae, muntik na umanong makuhanan ng anak

-Sa isang facebook post idinaan ng isang ina ang kanyang galit sa lalaking muntik na umanong tumangay sa kanyang anak

-Kwento nito, una daw ay dinikitan ang kanyang anak na babae hanggang tuluyan na nitong hinatak ang kanyang anak

-Sinaksak pa umano siya nito ng stick ng banana que na mabuti na lamang ay 'di masyadong tumama sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Laking pasalamat sa inang si Triciamae Oliva Fernandez na hindi nakuha mula sa kanya ang kanyang anak na babae nang tangkain umano itong kuhanin ng 'di pa nakikilalang suspek.

Sa isang facebook post, idinaan ni Fernandez ang kanyang galit sa lalaki at babala na rin para sa lahat.

Kwento nito, bibili lang sana siya ng gatas sa Puregold Zapote, una umano niyang napansin na dinidikitan nito ang kanyang panganay na anak.

Hanggang sa tuluyan na nitong hinatak ang bata. Ngunit alerto si Fernandez at nakipag-agawan siya sa lalaki.

Napansin naman daw sila ng barker ng jeep at laking pasalamat niya dito.

Tinangka pa siyang saksakin nito gamit ang banana que stick na dala nito, mabuti na lamang at hindi siya napuruhan at gasgas lamang ang kanyang natamo.

"Tandang tanda ko mukha mong hayuuup ka!!magkakamatayan tayo bago mu makuha anak ko !!!

Mamili ako gatas ng anak ko sa puregold zapote .nagpalagay ako ng tempered glass sa cellphone ko sa malapit sa jollibee nakita ko sya nadikit sa anak kong panganay !!!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang sigawan ko sya hinatak nya c zharina naghatakan kme hanggang sa nasuntok ko muka nya nagsisigaw nko dun slmat Kay Kuya na ngtatawag ng pashero ng jeep tumakbo sa sa zapote nung nakita nya kame !!!pilit nya talaga hinatak anak ko dahil alam nya marame akong dala akala niya cguro d ko sya Labanan!!hanggang sa tumakbo na dlawang tanmbay bigla karipas ng takbo

Sabay saksak ng bananaque stick sken buti nlang pagasgas sya dahil hawak hawk ko anak ko mapapatay mu Muna ko bago mu makuha anak ko !!!be aware guys sa may zapote may nangunguha napo ng bata ..

salamat Kay god walang nangyare smen ng anak ko at gento lang inabot ko ..thank you po .. Salmat dn Kay Kuya nagtatawag ng jeep"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pagsanib ng 16-anyos na ginahasa umano sa 1 bata, viral

Video ng pagsanib ng 16-anyos na ginahasa umano sa 1 bata, viral

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel