-Huling-huli ang isang OFW sa aktong nagre-record ng pelikulang 'Fantastica' sa loob ng sinehan
-Inaresto na ng mga pulis ang babaeng suspek
-Haharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Camcording Act of 2010
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Arestado ang isang 25-anyos na babae na napag-alamang isa palang overseas Filipino worker (OFW) nitong Huwebes ng gabi.
Naaktuhan kasi ito habang nagre-record sa cellphone ng pelikulang 'Fantastica' na pinagbibidahan ni Vice Ganda sa isang mall sa Ermita, Manila.
Ayon sa security guard ng mall na si Rodel Cabuhat, nag-iikot siya sa sinehan ng mapansin ang suspek na tila nakahiga habang nanonood ng nasabing pelikula.
Napansin rin daw ni Cabuhat na naka-ilaw ang cellphone nito at doon na umano nadiskubre ang pagvi-video nito sa pelikula ni Vice.
Sinita nito ang babaeng suspek at dinala sa police station.
Ayon sa report, may isang oras din ang nai-record nito.
Haharap sa kasong Anti-Camcording Act of 2010 ang OFW.
Isa ang 'Fantstica' sa mga pelikulang kalahok Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: Kami.com.ph