‘Jack Em Popoy’ at ‘Fantastica,’ lumayo na diumano ang agwat sa pagka-number 1 sa takilya

‘Jack Em Popoy’ at ‘Fantastica,’ lumayo na diumano ang agwat sa pagka-number 1 sa takilya

- Ayon sa mga ulat ay tuluyan na diumanong rumatsada ang isang pelikula sa pagka-number 1 sa MMFF

- Huling naibalita na matindi ang banggaan ng “Fantastica” at “Jack Em Popoy”

- Maari daw na nakatulong ang panawagan na i-boycot ang nangungunang pelikula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang mahigit dalawang araw na pag-arangkada ng MMFF entries sa mga sinehan, lumalayo na diumano ang agwat ng pelikulang nangunguna sa takilya.

Nalaman ng KAMI na kamakailan lang ay napabalitang mahigpit ang labanan ng “Fantastica” ni Vice Ganda at “Jack Em Popoy” ni Coco Martin, Vic Sotto, at Maine Mendoza sa pagka-number 1.

Ngunit gaya ng mga naunang prediksyon, nagbabago-bago pa ang numero at rankings ng mga tampok na pelikula lalo pa’t papalapit ang panibagong holiday break.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, lumukso daw ng bahagya ang numero sa pagitan ng nangunguna at pumapangalawang mga palabas at hindi na daw ito kasing lapit nang unang nailathala sa mga websites.

Kasalukuyan pa rin diumanong namamayagpag ang “Fantastica” at tila nakatulong pa daw dito ang mga paratang na i-boycot ang nasabing palabas dahil sa pagiging bully nito.

Maaring na-curious daw ang mga tagapanood kaya lalong lumobo ang lamang ng pelikula ni Vice Ganda kumpara sa entry ni Coco Martin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala ay nasa ikatlong pwesto pa din daw ang “Aurora” ni Anne Curtis ngunit malayo na nitong maabutan ang “Jack Em Popoy” na kasalukuyang pumapangalawa.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay tila nagpahiwatig daw si Vice Ganda ng nakakalulang kinita ng kaniyang pelikula sa unang araw pa lamang.

Ang MMFF, o Metro Manila Film Festival, ay taunang pista ng pelikulang Pilipino. Sa January 7 magtatapos ang screening ng walong mga entries at dito ay malalaman kung alin ang tumabo sa takilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel