Paskong-pasko! 2 bata, nadiskubre sa 1 bahay na naka-lock at gutom na gutom

Paskong-pasko! 2 bata, nadiskubre sa 1 bahay na naka-lock at gutom na gutom

-Tila inabandona na ang dalawang batang babae na nadiskubre ng ilang opisyal ng barangay sa Zamboanga City

-Kalunos-lunos ang itsura ng dalawa nang datnan ng mga opisyal

-Habang ang karamihan ay nagdiriwang ng ka-paskuhan, ang mga kawawang paslit na ito naman ay tila pinahirapan pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalunos-lunos ang kalagayan ng dalwang batang babae na nadiskubre sa isang barangay sa Zamboanga City noong Pasko.

Edad 9-anyos ang isa habang ang isa naman ay toddler pa lamang. Abnormal ang kapayatan at tila inabandona na.

Gutom na gutom na umano ang dalawa at ang kanilang dumi ay nasa isang plato.

"What shocked us was these two girls were starving, and their feces were on a plate,” ayon kay Vincent Paolo Lozano, village councilor at head of the peace and order committee sa lugar.

"Their faces were all covered with feces,”

Naka-lock rin ang mga ito sa isang maliit na bahay malapit sa Zamboanga City International Airport.

Walang kasama ang dalawa nang datnan ng mga opisyal. Wala ring ilaw at tubig sa bahay na iyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

The house was unkempt. There was no light or water, and the two children were locked up,”

Ang mas nakakabahala pa ay mayroon ding mga gamit na drug paraphernalia sa bahay na kinalalagyan ng mga ito ayon kay Lozano.

Agad na ini-report ang insidente sa mga pulis. Pagkatapos pakainin ay dinala ang mga ito sa Women and Children’s Division.

Nais ng mga opisyal ng lugar na maimbestigahan kung paanong napunta at na-lock ang dalawamh bata sa loob ng bahay na puno ng mga drug paraphernalia.

"That, in itself, is one big reason not to hand over those girls to their parents,” ani Lozano.

Nais sana ni Lozano na mapunta ang dalawa sa social workers ngunit nalaman na lamang niya na naibalik na ito sa mga magulang ng mga ito.

"Imagine, while everyone is celebrating Christmas, we see two children starving,” dagdag nito.

Source: Inquirer.net

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit

Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit

Reklamo ni legit, mas marami umanong naipundar si mister kay kabit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel