Nanay tinangka umanong patayin ang kanyang baby dahil sa postpartum

Nanay tinangka umanong patayin ang kanyang baby dahil sa postpartum

-Binalak daw talagang patayin ng isang babae ang kanyang anak

-Hirap at kawalan ng kontrol sa sarili ang nagtulak sa kanya upang isipin ang mga ganitong bagay

-Ngunit dahil nanaig ang kanyang pagiging ina, sinubukan umano nitong pigilan ang sarili bago pa man makagawa ng bagay na ikapapahamak ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

isinawalat ng isang babae ang kanyang pinagdaanan noong siya ay nakaranas ng pastpartum pagkatapos manganak.

Kabilang na rito ang pagtatangka niyang kitilin ang buhay ng sarili niyang anak na noon ay isa pa lamang walang laban na sanggol.

Kwento nito, isang hapon nang bigla na lamang niyang maisipan na itapon sa bintana ang kanyang baby.

Ayon dito, normal ang kanyang pagbubuntis at hindi ito nahirapan hanggang sa manganak siya. Ngunit nagsimula siyang makaramdam ng galit at pagkamuhi sa anak nang ipnanganak na niya ito.

Hindi niya maintindihan ang mdalas na pag-iyak ng sanggol kahit pa nga sa tingin niya ay ginagawa naman niya ang lahat upang mapatahan ito.

May colic ang sanggol at ito ay masakit para sa kanya at tinagka daw niya itong tapusin. Naisip pa raw niya kung maaari itong gawin sa hayop bakit hindi sa sanggol.

Sinira siya ng buo ng postpartum depression at hindi niya matanggap na naiisip niya ang mga bagay na iyon sa kanyang sariling anak.

Nanay tinangka umanong patayin ang kanyang baby dahil sa postpartum

Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napagod, nabahala at nawalan siya ng pag-asa lalo pa at tila hindi na ito tumitigil pa sa pag-iyak.

Tinignan niya ang anak na wala pa ring tigil sa pag-iyak at namumula na.

Nang hapon na iyon, naisipan man niya ang bagay na maaaring makapag-pahamak sa kanyang sanngol, kinontrol niya ang sarili.

Agada niyang tinawagan ang ina at ang asawa. Sinabi niya sa mga ito ang kanyang nararamdaman at naiisip.

Pinakalma siya ng mga ito at agad siyang dinaluhan.

Pagkatapos ng insidenteng iyon, nilapitan siya ng pamilya at nagsimulang humalili sa kanya sa pag-aalaga sa kanyang anak.

Makalipas ang tatlong buwan, kumalma na rin ang kanyang anak.

Sa ksalukuyan ay isa na itong masayahing bata ay siya naman ay ipinagbubuntis na ang kanyang pangalawang anak.

Handa na umano siya sa mga bagay na noong una ay kinatakutan niya.

Payo niya sa mga inang katulad niya, huwag mahiyang humingi ng tulong sa pamilya, kaibigan o sa mga propesyunal man kapag nakaranas ng postpartum.

Source: The Asianparent

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nagbigay reaksyon

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel