Naiwang maleta na may lamang P130K, naibalik sa 1 turista sa Davao

Naiwang maleta na may lamang P130K, naibalik sa 1 turista sa Davao

-Nawalan na umano ng pag-asa ang turistang si Leonel Andoyo na maibabalik pa sa kanila ang nawalang luggage na may lamang P130K

-Bukod sa pera naroon rin ang ilang importanteng bagay katulad ng laptop

-Kaya naman laking pasalamat nito sa kapulisan ng Davao nang maisaoli sa kanila ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nawawalan na daw ng pag-asa ang turistang si Leonel Andoyo na makita pa ang luggage na naglalaman ng P130,000 na 'di sinasadyang naiwan nila.

Bisperas ng Pasko nang mangyari ang insidente sa airport sa Davao City.

"When we arrived at the airport upon check-out dumating 'yung sundo. Nataranta nang konti, na-excite, ayun naiwan namin 'yung pinakaimportanteng luggage," kwento ni Andoyo sa panayam nito sa ABS-CBN News.

Bukod sa malaking halaga, may laman ring laptop, camera, mga tseke, at iba pang importanteng dokumento ang naiwalang bagahe.

"Wala na ako pag-asa makita pa kasi sa parking ko naiwala," dagdag pa ni Andoyo.

Magbabaksakali lang daw sana siya na balikan ang maleta sa airport nang makatanggap ng tawag ang kanyang misis mula sa mga pulis na nakakita sa kanilang maleta.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Overwhelmed ako sa response nila, the way they handled it. 'Yung SOP nila, talagang very inspiring,"

"To think 'yung incident nangyari is outside the airport... Talagang hopeless ako kasi naiwan ko sa parking area. Talagang napaka-efficient ng kapulisan natin sa Davao airport," ani Andoyo.

Laking pasalamat nito kila Chief Inspector Ronel Tesorero, SPO3 Bienvenido Capistrano at iba pang miyembro ng Davao City Police.

"You saved me from my wife's deadly wrath," pabirong sabi nito.

"Saludo ako sa inyo mga sir! Continue holding on to your strong moral principles,"dagdag pa ni Andoyo.

Source: ABS-CBN News

Naiwang maleta na may lamang P130K, naibalik sa turista sa Davao

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel