10 Pinoy celebrity newsmakers of 2018! Miss Universe Catriona Gray tops the list

10 Pinoy celebrity newsmakers of 2018! Miss Universe Catriona Gray tops the list

December 26, 2018, ibinalita ang mga Pinoy celeb newsmakers para sa taong ito at nangingibabaw sa listahan ay ang kapapanalo pa lang na Miss Universe na si Catriona Gray.

Sinungkit lang naman ng confidently beautiful, smart, talented , and stunning with a beautiful heart na si Catriona ang most coveted crown ng mga beauty pageants.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman KAMI noted down the top 10 Pinoy celebrities na talagang pinag-usapan at tumatak sa mga Filipino sa taong 2018.

Nagbigay ng iba't ibang pangalan, celebrity pairs ang ABS-CBN News sa mga Pinoy celebs na naging newsmakers sa taong 2018, at ayon pa sa kanilang balita, nangunguna ang bagong hirang Miss Universe na si Catriona Gray sa listahan.

Included in the list are other Pinoy celebs who also made noise and brought pride to the country.

So, without further ado, here are the top 10, in no particular order, Pinoy celeb newsmakers of 2018.

1. Catriona Gray

Nangunguna at pinakatumatak umano, gaya sa pagkatatak ng kanyang lava walk with slow-mot turn pose, na newsmaker para sa taong 2018 ay ang ating pambato sa Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Ito ay dahil nasungkit lang naman niya ang pinaka inaasam-asam na korona sa lahat ng klaseng beauty pageants.

Siya lang naman ang ika-apat na Pinay ni inuwi ang korona sa Pilipinas, at dahil na rin sa hindi matatawaran na effort, passion, at dedikasyon na ibinigay ng isa sa pinakasikat kung hind man pinakasikat na babae sa buong mundo ngayon, universe rather.

Lahat ng OOTD niya sa pageant ay hindi lang maganda at stylish, mayroon ding mga sari-saring significance sa bansa.

Nawindang din ang lahat sa angking galing ni Catriona na kumanta.

Kaya nga she's the real deal, worthy of the crown Miss Universe.

2. Kris Aquino

Hindi din nagpahuli ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa paggawa ng ingay nang makasali siya sa super blockbuster hit Hollywood film na Crazy Rich Asians.

3. Manny Pacquiao

Gumawa rin ng ingay ngayon ang Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao dahil sa pagkapanalo niya bilang bagong WBA Welterweight Champion.

At last month, nagdala na naman ng isa pang karangalan si Pacquiao nang naimbitahan ng debating societies ng OXBRIDGE, University of Oxford at University of Cambridge.

4. Heart Evangelista

Bumida rin sa world fashion ang Darling of the Philippines na si Kapuso star Heart Evangelista sa Paris Fashion Week at sa New York Fashion week, na napili pang isa sa mga favorite faces ng Kate Spade.

Isa rin siya sa best red carpet looks ng Harper's Bazaar ICONS party 2018.

5. It's Showtime "Kuya Escort" Ion Perez

Mainit ding pinag-usapan ang Mister Universe Tourism 2018, na ngayon ay mas kilala ng madlang Pipol bilang si "Kuya Escort" sa It's Showtime na si Ion Perez.

6. Kelsey Merritt

Pinag-usapan rin sa buong mundo ang kauna-unahang Pinay na rumampa sa pinakasikat na fashion show sa mundo ang Victoria's Secret na si Kelsey Merritt.

7. Maymay Entrata

Naging usap-usapan rin hanggang naging viral si Maymay Entrata dahil sa pagiging kauna-unahang Pinay na rumampa sa Arab Fashion Week.

8. Jericho Rosales

Hindi rin maikakaila na isa rin sa newsmakers sa taong ito sa showbiz ay si Jericho Rosales dahil sa kanyang papel bilang si Lino sa napakasikat na Halik teleserye.

9. Yam Concepcion

Hindi rin nagpahuli si Yam Concepcion, ang aktres na gumaganap sa papel na Jade sa parehiong teleserye na pinagbibidahan ni Echo sa Kapamilya network.

10. Alex Gonzaga

At hindi rin pahuhuli sa listahan ang nakakabatang kapatid ng Ultimate Multimedia Superstar, Toni Gonzaga, na si Alex Gonzaga.

Tila taon niya ngayon dahil sa sunod-sunod na trending at viral vlogs niya, lalong lalo na ang pagtrending ng kanyang single na Chambe, na naging worldwide sensation ng mga Pinoy na nasa iba't ibang panig ng bansa at nakagawa pa ng hashtag Chambe Dance Challenge.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panoorin ang iba pang mga Pinoy na bumida ngayong 2018 sa babang video.

On another note, as we celebrate the birth of Jesus Christ together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel