‘Fantastica’ at ‘Jack Em Popoy,’ matindi ang banggaan bilang number 1 sa takilya

‘Fantastica’ at ‘Jack Em Popoy,’ matindi ang banggaan bilang number 1 sa takilya

- Ayon sa spokesperson ng MMFF ay gitgitan ang “Fantastica at Jack Em Popoy” bilang topgrosser

- Nag iiba-iba pa daw ang ranking kaya inaasahang mababago pa ito sa susunod na mga araw

- Ibinunyag na din ang pelikulang pumapangatlo sa takilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Katulad ng inasahan ng marami, matindi ang banggaan ngayon sa takilya ng mga pelikula nina Vice Ganda na “Fantastica” at Coco Martin, Vic Sotto, at Maine Mendoza na “Jack Em Popoy.”

Nalaman ng KAMI na parehong kalahok ang mga nasabing palabas sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagsimulang ipanood kahapon, December 25.

Talagang pinipilahan ang mga pelikula lalo na ang dalawang bigating entries nina Vice at Coco at ayon sa ilang netizens ay nagkakaubusan na ng tickets sa ibang mga sinehan.

Halos dalawang araw matapos ang unang pagpapalabas ng mga movies, kinumpirma ni MMFF spokesperson Noel Ferrer na nangunguna sa takilya ang “Fantastica” at “Jack Em Popoy.”

“As expected, ‘yung mga pelikula ni Vice Ganda at saka ni Coco Martin at Vic Sotto ang nangunguna sa takilya,” pahayag niya.

Hindi daw nalalayo ang agwat ng dalawang palabas kumpara sa gap ng mga pelikula ng parehong mga artista noong 2017, ayon sa impormasyon ng PEP.ph.

Graded B ang pelikula ni Vice at talagang marami daw na eksena ang nakakatawa lalo na noong nagpipigil sa pag-ihi si Aling Fec (Jaclyn Jose) dahil kinakantahan siya ng kaniyang anak na si Belat (Vice Ganda).

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, bukod sa mga nakakatawang hirit ay nakakaantig diumano ang drama ng mag-amang Popoy (Vic Sotto) at Em (Maine Mendoza) sa kanilang pelikula kaya deserving ito sa gradong A na ibinigay ng Cinema Evaluation Board.

Nasa ikatlong pwesto daw sa ngayon ang entry ni Anne Curtis na “Aurora” ngunit medyo malayo ang agwat nito sa dalawang naunang nabanggit na mga pelikula.

“Yung pangatlo siguro, well medyo malayo, yung kay Anne Curtis,” saad pa ni Noel Ferrer.

Sa January 7 pa ang huling araw na mapapanood ang mga MMFF entries kaya inaasahan din na mag-iiba pa ang ranking nito lalo na’t paparating ang isa pang holiday break.

Ang iba pang mga pelikula na mapapanood ay “Otlum,” “Rainbow’s Sunset,” “Mary, Marry Me,” “The Girl In The Orange Dress,” at “One Great Love.”

Sa nakaraang ulat ng KAMI, hindi napigilan ng mga netizens na magreact nang pangalanan na ang walong official entries sa MMFF 2018.

Ang Metro Manila Film Festival ay isang taunang pista ng mga pelikulang Pilipino na nagsimula pa noong 1975. Bukas, December 27, gaganapin ang Gabi Ng Parangal nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version. Alex Gonzaga, what an amazing song you have come up with! We can only try to reach the stars with our low-budget versions. But we are doing our best! - on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tori Garcia stuns in her pictures shared online

Tori Garcia stuns in her pictures shared online

Tori Garcia stuns in her pictures shared online
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel