Babala! Online seller, nabiktima ng modus na nagbabayad ng pekeng pera

Babala! Online seller, nabiktima ng modus na nagbabayad ng pekeng pera

-Ginunting na papel lamang ang ibinayad sa isang online seller ng kanyang ka-transaksyon online

-Halagang P11,000 na cellphone ang nakuha mula sa biktima

-Nagbabala mulis ang mga awtoridad sa mga online sellers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Laking gulat ng isang online seller ng madiskubreng ginunting na papel lamang ang ibinayad sa kanya ng kanyang buyer.

Ang online seller nabiktima na pala ng isang modus!

Ayon sa seller, nagkasundo umano sila sa halagang P11,000 para sa cellphone na kanyang ibinebenta.

Nang magkita sa Magsaysay Avenue, iniabot daw sa kanya ng ka-transaksyon ang sobre na dapat ay naglalaman ng bayad nito.

Pagkatapos na makuha ang cellphone mula sa biktima, agad na daw pinaharurot ng suspek ang kotseng sinasakyan nito sa kasamahang nagmamaneho.

"Masakit po [ang nangyari] kasi malaking bagay na yung P11,000," ayon sa biktima sa isang panayam.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagkatapos umano ng insidente, nalaman nito mula sa ibang online sellers na gumagamit pala aang suspek ng mga pekeng larawan at account name sa pakikipag-transaksyon.

Nagbabala naman muli si Superintendent Pelita Tacio ng Cordillera police Public Information Office.

"Kailangan muna nating kilalanin ang ating buyer and then kaibiganin muna natin. Huwag tayong masyadong nagmamadali lalo na at kung nag-aabutan na tayo, dapat kaliwaan 'yan," aniya.

Source: ABS-CBN News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel