Dating DH, may-ari na ng 1 sikat na Filipino restaurant sa Italy ngayon

Dating DH, may-ari na ng 1 sikat na Filipino restaurant sa Italy ngayon

-Sa kanyang pagbabalik sa sariling bansa dala naman ng dating DH na si Marvin Braceros ang isang magandang opurtunidad para sa marami

-Bukod sa itinaas na niya ang bandila nating mga Pinoy sa pamamagitan ng ating pagkain na nakilala na rin ng mga dayuhan, dinala na niya sa bansa ang sumikat niyang restaurant

-Ibinahagi na rin niya ang kanyang mga pinagdaanan na siyempre pa ay 'di naging madali lalo pa at siya nasa dayuhang bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Akala ng marami na madali ang maging overseas Filipino worker (OFW) lalo na sa magandang bansa katulad ng Italy.

Ngunit puno ito ng pagsasakripisyo at pagti-tyaga para sa pamilyang naiwan sa Pinas, tulad ng istorya ng ating kababayan na si Marvin Braceros.

Dating DH, may-ari na ng 1 sikat na Filipino restaurant sa Italy ngayon

Photo source: ABS-CBN
Source: Facebook

Labing-pitong taon ang nakakaraan ng magsimula siya bilang ground steward sa isang airline company sa loob ng tatlong taon kahit pa labag sa kalooban ng kanyang pamilya.

Ngunit nagdesisyon siyang baguhin ang landas para maging domestic helper sa Milan. Naging mahirap ito lalo pa wala siyang hawak na legal na dokumento.

Kahit pa walang sapat na dokumento, puno naman siya ng pagkasigasig at sinubukang pumasok sa kung ano-anong trabaho tulad ng household worker, dishwasher at glass cleaner.

Pagkatapos ng pitong taon, nakakuha na rin ng legal na permit si Braceros.

Pero hindi dito natapos ang kanyang paghahangad kahit pa nga 'di hamak na mas malaki ang kanyang kita kaysa noong nasa Pinas pa siya.

Nag-enroll siya sa Italian Culinary Institute. At dahil sa kanyang determinasyon, natapos niya ang culinary course.

Nang makatapos, nagkaroon ngv alok na trabaho para sa kanya at ang maging chef sa Dolce and Gabbana Martini Bar and Restaurant ang siya niyang napili.

Dito na nagsimulang matupad ang kanyang pangarap.

“I was able to change the way I felt about myself. I felt so small. Sometimes it is not about life battles but how you face the pangs of self-denial and self-satisfaction. When you fall into a pit full of false expectations and can’t pull yourself back up out of the hole”, anito.

Nagsimula niyang makita ang posibilidad na makapasok sa larangan ng pagnenegosyo. Sinimulan niyang magpundar ng catering services sa Filipino community.

Hindi naman siya nabigo at dahil na rin sa kanyang kakayahan, talento at mga natutunan sa pagnenegosyo, naitayo ang pinaka-unang Filipino gourmet restaurant sa Milan.

Ito ang YUM Taste of the Philippines, na nagse-serve ng mga Filipino cuisine. Unti-unti, nakilala ito ng mga Italyano at nagustuhan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“It’s always a question for me on why we aren’t successful in advocating and presenting our food to the world gastronomy scene. It should be promoted because our dishes like our neighboring countries deserve it. I made it a goal to put our restaurant as a destination to embark on a journey to paradise that is our country, the Philippines,” kwento ni Braceros.

Sa kanyang pagiging malikhain, nagawa niyang pagsamahain ang Filipino cuisine at Italian techniques na mas pumatok pa sa mga Milanese.

Ilan sa mga nakilala ang pansit, lumpia, kaldereta at adobo ng mga dayuhan.

Ngayong taon, kinilala ang YUM bilang isa sa mga 'best restaurants' sa Milan at maging sa Italy ng Gambero Rosso, isang sikat na food and wine magazine sa Italy.

“Filipino food is something planned from the heart, cooked with pride and served with hospitality. That’s how I embodied our cuisine,” ani Braceros.

Sa kanyang pagbabalik sa Pinas, dala niya ang oputunidad para sa marami nang sinimulan niyang dalhin sa bansa ang YUM.

Binuksan niya ang YUM Milano nitong Nobyemre sa Makati at inaasahang isa pang branch sa susunod na taon.

Dating DH, may-ari na ng 1 sikat na Filipino restaurant sa Italy ngayon

Photo source: ABS-CBN
Source: Facebook

Source: ABS-CBN News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang graduation

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang graduation

Lalaking may sakit sa puso, umakyat pa rin ng entablado para sa kanyang pagtatapos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel